Jump to content

7 posts in this topic

Recommended Posts

Filed: F-1 Visa Country: Philippines
Timeline
Posted

SA MGA BABAE, TAKE TIME TO READ. FOR GUYS HOPE YOU READ THIS TOO. :)

ISA LANG MASASABI KO DITO ANG GALING TALAGA :)

Ang galing ng lalaking nagsulat nito:

"Ang mga babae, madaldal/mabunganga." Oo, wala talagang tigil ang bibig nila sa pag-rachada sa kakasalita. Lalo na sa tuwing pinapaalala nila sayo na oras na para inumin ang iyong gamot, kapag nagtatanung sila kung kumain ka na ba, kapag ginising ka nila sa umaga upang hindi ma-late at sa mga pagkakataon na nag-aalala sila sayo at tinatanung kung nasaan ka na at bakit hindi ka pa umuuwi. Walang duda, madaldal nga. Hayaan mo na, balang araw, siguro magbabago din sila. Tipong maririnig mo lang ee "Oo", "Hinde" at "Pwede". Para kayong naglalaro ng Pinoy Henyo. Romantic siguro ng buhay nyo nun. "Ang mga babae, mashadong sentimental." Sinabi mo pa. Tandang tanda nga nila ang petsa at lugar kung saan kayo unang nag-date, isinulat niya din sa kanyang diary kung ano ang mga ginawa ninyo, nakatago at ingat na ingat siya sa mga larawan nyong dalawa, daig pa niya ang Smithsonian sa pag-aalaga ng mga iniregalo mo at kahit kailan hindi niya nalilimutan ang mga importanteng okasyon tulad ng anniversary, monthsary, weeksary o birthday mo. Nakaka-inis ba? Ok lang yan, malay mo next time, hindi na siya ganun. Tipong i-aasa na lang niya sa Facebook ang iyong kaarawan. Tapos tamang post na lang sa wall mo ng "hapi bday". "Ang mga babae, emosyonal." They cry about movies. They get teary with a romantic novel. They blush and gasp upon seeing a picture of a cute dog or a cuddly baby. Bakit ba ganun sila? Buti na lang tayo hindi. Kinikimkim lang naten lahat ng emosyon sa loob hanggang sa sumabog at atakihin sa puso o di naman kaya ee magpapakalasingtapos magwawala at maghahamon ng wrestling. Di ba mas logical un? Madalas pa mag-imagine na ikakasal kayo sa simbahan. Lagi nag a-iloveyou, imissyou, take care at mwah mwah sa text. Asar ka na ba at nacocornyhan? Ayos lang yan. Darating din siguro ang time na titigil siya at isesend ang mga un sa iba. Women are probably the greatest gift to men, from God, beside beer and sizzling sisig. At para sken, women deserve all advantages, lalo na sa pag-ibig. Sana lahat ng babae ay maging masaya ang lovelife. Sana, walang babaeng heart-broken, kasi, tayong mga lalake, we're meant to pursue them and it's okay if we fail from time to time. It's the way nature intended it. Gaya ng isang leon sa usa o pag-ikot ng earth sa paligid ng araw. Mas okay kung tayo na lang ung masasaktan. Ee sila? Isipin mo, nagkakaroon sila ng "dalaw" at nababaliw kada buwan, nabubuntis at nahihirapan ng 9 months, at pinaka matindi sa lahat, kailangan pa nilang panatilihing makinis at walang buhok ang kanilang mga kili-kili. Ano ba namang pasayahin sila at gawing "scar-free" ang kanilang buhay pag-ibig. And if you are with a great gal, do everything to make her happy. Don't ever break her heart. Wag kang magpa-uto sa mga statistics, na nagsasabing, mas marami ang babae sa lalake, kaya okay lang mang-chiks. Ano pa bang gusto mo? Hindi pa ba sapat na minahal ka niya sa kabila ng iyong pagiging engot at kawalan ng Romantic DNA sa katawan? Malaki man ang papolasyon nila sa mundo, napaka-liit ng tsansang makakilala ka ulet ng katulad niya na magtya-tyaga sayo. Tandaan, pansamantala ka mang maakit ng naglalakihang pulang high-heels o maaarteng makintab na sandals, mas masarap pa ring umuwe sa nag-iisang tsinelas ng buhay mo. :)

Posted

As a woman, I don't see the significance of this. I didn't even finish reading the whole thing. It's cheesy and trite. Paints women using a few colors. Gives overgeneralizations. The person who wrote this must have been a drunk hopeless romantic who thinks all women are the same or the writer must have been a very needy, insecure, self-righteous girl pretending to speak on behalf of men because she seeks appreciation from her guy.

17276-hobbes55_large.jpg
Filed: AOS (apr) Country: Philippines
Timeline
Posted (edited)

nice..but you should have an English translation for that, so that same VJ guys here understand what it means, to love their one and only slipper...hehehe, thanks for this post, I can share it also to my hubbyhon... :) :)

Edited by tingting

AOS TIMEFRAME
CIS Office: Seattle, WA
Date Filled: Jan. 25, 2013
NOA1 Date: Feb. 06, 2013
Biometrics Appt: Mar. 04, 2013
Interview Date: Apr. 24, 2013
Greencard Approved: May 21, 2013

EAD / AP
Date Filled: Jan. 25, 2013
NOA1 Date: Feb. 06, 2013
Approved Date: Mar. 26, 2013
Card Production: Mar. 26, 2013
EAD / AP Received: Apr. 03, 2013
Card / Document Production: Mar. 26, 2013

Filed: IR-1/CR-1 Visa Country: China
Timeline
Posted

There's a lot o kissing going on in that post, thankfully no nude-y fornication references.

Sometimes my language usage seems confusing - please feel free to 'read it twice', just in case !
Ya know, you can find the answer to your question with the advanced search tool, when using a PC? Ditch the handphone, come back later on a PC, and try again.

-=-=-=-=-=R E A D ! ! !=-=-=-=-=-

Whoa Nelly ! Want NVC Info? see http://www.visajourney.com/wiki/index.php/NVC_Process

Congratulations on your approval ! We All Applaud your accomplishment with Most Wonderful Kissies !

 

 
Didn't find the answer you were looking for? Ask our VJ Immigration Lawyers.

Create an account or sign in to comment

You need to be a member in order to leave a comment

Create an account

Sign up for a new account in our community. It's easy!

Register a new account

Sign in

Already have an account? Sign in here.

Sign In Now
- Back to Top -

Important Disclaimer: Please read carefully the Visajourney.com Terms of Service. If you do not agree to the Terms of Service you should not access or view any page (including this page) on VisaJourney.com. Answers and comments provided on Visajourney.com Forums are general information, and are not intended to substitute for informed professional medical, psychiatric, psychological, tax, legal, investment, accounting, or other professional advice. Visajourney.com does not endorse, and expressly disclaims liability for any product, manufacturer, distributor, service or service provider mentioned or any opinion expressed in answers or comments. VisaJourney.com does not condone immigration fraud in any way, shape or manner. VisaJourney.com recommends that if any member or user knows directly of someone involved in fraudulent or illegal activity, that they report such activity directly to the Department of Homeland Security, Immigration and Customs Enforcement. You can contact ICE via email at Immigration.Reply@dhs.gov or you can telephone ICE at 1-866-347-2423. All reported threads/posts containing reference to immigration fraud or illegal activities will be removed from this board. If you feel that you have found inappropriate content, please let us know by contacting us here with a url link to that content. Thank you.
×
×
  • Create New...