Jump to content

lykatodd

Members
  • Posts

    212
  • Joined

  • Last visited

Posts posted by lykatodd

  1. lyka sarap talaga kaya nilulubos lubos ko nung sept 3 nagpa IUD ako 600+ ang cost nung IUD pero $25 lng binayaran ko derma at braces nman ang target ko pag uwi ng asawa ko :D

    korek ka dyan girl,,lubus lubusin muna...hahaha...VA grant me also ng education program then if you enroll and loaded w/ units babayaran ka ng around $ 800

    a month pero hindi ko na ginagamit yon kc ayaw ko ng mag-aral...pero pag dinidivorce ako ng asawa ko i can get back my pension anyway so uwi talaga ako sa pinas...hahahaha

  2. hayyyyy... mga mommies,,,talking about insurance nakababaliw...daming bills dumating pareho yata kami ni doc gracey more than $ 6,000 ang co-pay namin then our insurance paid around $ 14,000...ang mahal ata halos 1 million na yata yan sa pinas kaya sabi ko sa asawa ko ayaw ko nang manganak...our insurance is aetna and we paid $ 170 a week ...

    @ dianne...ang sarap talaga ng VA benefits...I am widow and married to a military and have tricare and monthly pension of $1200 a month but when i get married again i lost everything kasi gusto magkaanak pero ok lang kahit mahirap asawa ko as long as we are happy with our beautiful little girl...

  3. hi mga mommies may tanong ako how long bago nawala yung bleeding ninyo kc sa akin on and off sya..eh 8 weeks na kaya ako, wla namang masakit kya im not concerned about it. how long din bago nagbalik period nyo? im just curious..share naman kayo para hindi naman ako mabahala..thanks

    3 weeks lang ang bleeding ko...

  4. Tiny nga pero okey lang lalaki din yan mas mahalaga healthy baby natin di ba? I will kahit walang tulugan di naman matumbasan ng kahit ano ang bilang maging isang "INA" madaling maalala ang birthday ng baby ko kasi 8-9-10 :dance:

    Yes ur ryt, the last appt. ng pedia ng baby ko she weight 6'9 lbs. ,she was 2 weeks old that tym...malakas kasi dumede...i miss na talaga yong straight na tulog which is impossible na mangyari during this tym...Kahit pagod ok lang lalo na makita mo ang baby mo na nakasmile...

  5. Yes mga mommies nanganak na ako hehehehe subrang happy at hangang ngayon nanginginig pa tuhod ko :dance: pero okey lang di naman mabayaran ng pera ang lahat na hirap di ko talaga ma explain ang sarap ng feeling first time na mahawakan ko ang baby ko...: )

    congrats Rose...halos magkapareho lang ng weight ang baby natin... 5'10 lbs. ang sa akin...napakatiny talaga...just enjoy being a mom...

  6. @lyka and dianne - conratulations to you both! :)

    Lyka - o ayan, you have a little angel in your arms and another looking on you :innocent:

    Rose - am sure you must've given birth by now. Enjoy your little babe :)

    doc Gracey...oo nga andito na talaga at naku sobrang sarap ng feeling kahit kulang sa tulog...

  7. Halows to all! hehe tagal ko na di nakadalaw. Namiss ko na kayo hehe. Grabe! dami ng nanganak ha. Ang cucute ng mga babies nyo :luv:

    @lykatodd, cute ng baby ha at ang daming hair hehe. wow! CS ka dahil sa 5 lbs. na baby? naku po! ako normal delivery and Zac was almost 8 lbs. back then. Laki daw kasi ng balakang ko kaya kasya si baby LOL!

    @shiela, buti nmn napadalaw ka. Ang gwapito ni JM ha :)

    @someday, yay! finally may ticker ka na hehehe :D

    @Brijo, you have a cute lil one. It was nice to hear that he is being breastfed by his mommy. I am sure that his grandparents were so happy to see him.

    @brettane, balitaan mo ako sa link na binigay mo ha about dun sa mga baby clothes. napamigay ko na yung mga damit ni Zac sa niece kong buntis pero meron pa ding mga tira. Yung iba papadla ko sa Pinas tas yung iba bebenta ko para may pangpadala sa Pinas :lol: Pakiss kay baby Letcher.

    @sweetpink, mukhang enjoy na enjoy si Ethan dun sa fountain :star: Nga pala, ask ko lang kung natuto nga si Ethan magswim sa swimming lesson nya? Curious lang po hehe.

    @Rose, nanganak ka na ba? lakas ng feeling ko na nanganak ka na hehe. Hope you have or had safe delivery :star:

    Zac is more than 7 months old na. Madaldal na malikot. Lahat inaabot, ako naman taga-pulot at tiga taas ng gamit. One time I was doing something tas malapit cya sa akin pero nasa walker cya tas napansin ko na lang na hawak ni Zac yung pinakaplug-in ng laptop at ina-unplug nya. Ang bilis ng reflex ko at natampi ko yung kamay nya sabay sigaw ng NO! Natakot at naiyak tas ako naman naiyak din kasi napalo ko cya ng di sinasadya :( Kasi naman natakot ako bigla na baka makuryente. After nun, lumayo cya sa outlet ng kuryente ng umiiyak tas kapag lumilingon sa outlet eh iiyak ulit. Natrauma na ata which I think is good pra iwas disgrasya. Sana di na nya ulitin at ayun bibili kami nung safety outlet cover.

    yes pink cesarian ako kc maliit daw balakang ko...ok lang naman dahil hindi ako nahihirapan ng sobra...

  8. lykatodd --wow yung baby ko 6 pounds normal delivry... but ka na cs ? ask lng poh ehehe B-)

    [/quot

    maliit lang daw yong daanan ng baby at ayaw ng doc ko na magdusa ako...hahahaha...im happy nman na cs ako kc ng magsimula ang contraction ay naku sobrang sakit...

  9. hi lykatodd, im happy for you at sa wakas lumabas na rin baby mo...ang dami nyang hair ah... how many pounds ba sya? kasi parang maliit sya sa car seat na yan or namamalikmata lang ako kasi parang di na sya baby sa picture eh dami kasing buhok...hehehehe

    bmtrrbt...she's very tiny baby..5 lbs. and 10 ounces lang cya...

  10. You're welcome. They will send you the USPS boxes once you sign up and they will pick up if you already have box to send. Pinag aaralan ko parin at wait ng box ko. Maganda to kasi mabilis lumaki ang mga baby. Para mapakinabangan naman ng iba ang mga damit pwera nlang kung gusto mo n kagad sundan baby mo hehe.

    Congrats for the health delivery. Kapal n kagad ng hair nya inggit n naman ako hehe. Cutie cutie

    tnx, sis...yah dami yata buhok nya...hahaha

  11. @LasVegasUSA, thanks... dami ngang nali-layoff ngayon. yun kasing college grads na teaching ang degree pagkatapos ng college nila ay hindi nagturo at alam na mahirap magturo sa public schools dito. ngayong na recession ay nagbalikan sila sa teaching. ako, nag-take lang naman ako ng units of teaching tapos nag-try lang. awa ng Diyos ay tuloy tuloy naman ang work. kung ako sayo huwag ka ng dumaan ng agency, dumiretso ka na sa mga school boards or offices ng human resources. submit ng submit lang ng resume. tingnan mo na ang state requirement para ma-certify ka as a teacher. siguro as a start mag-apply ka rin muna as substitute teacher para ma-refresh ka ng work and at the same time kasma mo pa rin baby mo. ganyan ang gagawin ko din next school year.

    @sweetpink, ang bilis naman ng panahon. dati ay binabasa ko lang ang posts mo dito. ngayon ay mag-1 year na pala baby mo. advance happy birthday kay baby ethan.

    @lykatodd, good luck sa panganganak. kayang kaya mo yan.

    @ magnolia, thanks girl and welcome sa thread na ito...just take care urself and enjoy being pregnant...

  12. Congrats sa mga new mommies dito :) We just went back from our 3 days trip to the Island of Adventures (where the Harry Potter theme park is), Universal and Disney Trip for Ethan's first birthday. Yes, tomorrow (July 13) is my son's first birthday at naiiyak na ako. I have this mixed emotions of excitement, happy but at the same time nalulungkot ako kasi big boy na baby ko :( When I woke up this morning I had a flash back of those 9 long months of pregnancy, the first time I hear his heartbeat on my first prenatal visit, the first flutter and later becomes a hard kick. Those months of long wait that I barely could wait to see his face...until, on the 37 weeks and 5 days, 4 a.m that I started to feel continuous contractions, from then I know that the has come. It was almost 12 hours of labor until @ 3:59 pm I gave birth to a 6.7 lbs, 18 inches BABY BOY!

    After 2 days, on July 15, my birthday, we came home and that was his first car ride and was sleeping so peacefully and calm. From then on was the start of our journey as a family. From countless sleepless nights, diapers change, knowing what he does and doesn't like, his first smile, his first cooing sounds, his first rolling over, his fist few words ( dada, mama, baba, and he even refers the cat as "tat"), the first time he push himself to sit up, the first time he ate, his first step and now when he gets too excited he wants to run. Everywhere we go he likes to talk to people and flirt with the girls ( why do I have this feeling that I am in big trouble someday? )

    Sorry kung masyado akong ma-drama, I just couldn't believe that a year came so fast. Anyways, want to share with you some pictures and the videos of my baby's first theme rides...

    IMG_0791.jpgIMG_0794.jpgIMG_0798.jpgIMG_0800.jpgIMG_0795.jpgIMG_0805.jpgIMG_0820.jpgIMG_0822.jpg

    Advance happy birthday Ethan and to mommy also...Baka magkasunod lang kayo ng birthday ng baby ko kc schedule ko ngayon 16 for my c-section...Gusto ko sana lalabas na to sa 14 para magkabirthday ng pamangkin ko pero parang ayaw pa yata ng baby ko...lol

  13. Hello!!!

    Na-nganak na po ako!!!

    June 4 @ 8:58AM!!

    inabot ako ng 18 hours labor from the time na nag-break ung water ko. Pero 1 hour lang ako in active labor.

    sobrang sarap ng feeling to hold my baby. grabe! nakaka-iyak!

    anyway, sobrang na-stress kami mag-asawa nung first night ni baby sa bahay... sobrang takaw kasi ni baby at ako naman ung gatas ko di pa nag-flow ng malakas.

    finally, kahit ayaw namin we had to give him some formula. buti na lang may pinauwi ung hospital na freebie. Panu ung nipples ko sobrang sore na sa kaka-suck ni baby. Nakakagulat din kasi ang galing mag-suck nitong anak ko. dinig mo sa buong room yung sucking sound nya. Ung lactation specialist sa hospital tuwang tuwa sa kanya kaso nag-alala din sya kasi nga sobrang vigorous mag-suck si baby eh puros sugat na ung boobs ko! :-0 Anyway, by the next morning tumulo na ang milk so ngayon pinapagaling ko na lang ang boobs ko... pero tuloy tuloy ang breast feeding ko kahit medyo masakit.

    ung baby ko pala... ewan ang lakas ng neck nya. na-lilift na nya ung ulo nya mag-isa even nung first day pa lang sya. Then galit sa medyas kayang kaya nyang tangalin thru sipa ung socks nya. Ung sinuot ko pa sa kanya eh ung knee high pero wa-effect maya maya tangal ang socks. Then gusto nya matulog either sa side nya or sa tummy nya so sobrang binabantayan ko talaga. Nakakatakot kasi kahit malakas ung neck nya di pa rin ako kampante.

    ni-lalagnat pala ako, third day ko na sa bahay... medyo nag-panic ako pero parang nakukuha naman ng Tylenol. Accidentally, na-tangal din ung extra belly cord ni baby dahil kakasipa habang pinapalitan namin sya ng diaper. Thank god di nag-bleed or nag-puss. Also, both arms and hands ko ay numb/painful... sabi ni OB baka daw Carpal Tunnel Syndrome pero pinapupunta ako sa family doctor. Wala naman kami nun at tska wala kaming budget for that, kaya eto tiis tiis muna. Ni-e-exercise ko na lang ung hands ko gaya nung nabasa ko sa internet. Sana mawala na. Uuwi na kami sa TN soon, so hopefully maka-kuha na kami ng WIC at medicaid for the baby.

    Anyway, un lang po.. good luck sa mga ma-nganganak pa. Salamat din sa mga tips ng nga mommies dito. :-)

    Congrats chinese_mutt sa wakas nangingitlog ka na...hay excited na rin ako kc malapit na rin ako mag pop out...my last 2 weeks visit to my OB will be on 15 then after that every week na ang check up ko...

  14. Sinabi mo pa dear, ang mahal talaga pag walang insurance. Hubby ko kc self employed tapus nag apply xa ng insurance dati na deny xa kc meron xa pre existing condition tapus apply xa for me eh ang mahal naman almost 500 a month kapag kasali ang panganganak. kya nagdecide nalang xa na mag ipon nlng kami. Ang insurance naman is here not to help but most of the time is to make profit. pwera nalang kung provided ng company kung san ka magwork kc kunti lang babayaran mo eh pag sarili mong bulsa naku ang mahal din kaya magtipid nlng para makaipon. dami nga test dito tapus may mga class pa cla, natawa nga c doc kc advice nia ako to attend some childbirth class eh sabi ko sa pinas wala namang class umabot nga sa 5 to 10 mga anak nila, kaya naman nila..hehe, wala naman ako maxadong test siguro dahil lahat normal sa akin tapus wla naman nakitang concern c doc tapus c baby super duper active din sa awa ng Diyos. Yes every week na talaga pag malapit na tayo sa due date kc dami ng dapat imonitor c doc, xempre closer na tau sa final moment natin..hehe, anyway, goodluck to u and to me too at sa iba pang mommies dito na malapit na din manganak..ingat!

    Ay naku talking about insurance grabe talaga mahal dito...Kahit nga employed ang asawa ko yong monthly pa rin namin na deductable sa sahud ng asawa ko ay 700$ a month...Good luck to ur upcoming baby and ur ryt super likot na talaga ng mga baby natin...Para na yata akong dracula kasi itim na ng mata ko sa kagigising sa gabi papunta ng toilet...Pero ok lang lahat yon basta makikita na natin mga baby natin sooner...

  15. hello tanong ko lng kc d ko alam kng tama ba ung doctor,. kc neregla ako ng ma aga nung sept tpos nung sept 28- to oct1 nag karo-on ako ulit at ktposan ng oct ne regla ako pa konti2x lng ung parang kng s matanda pa nag miminopos ehhehehe,. s tingin nyo mga anong date kya ako na bontis ?? ewan na gogolohan kc ako ehhh my nag bontis nba ng gnito bka kc nag kmli kmi ng bilang or young doc.

    Through ultrasound malaman mo na kung kailan ang due date...May iba kasi na buntis na magkaroon ng kunti kunti na regla based yan sa nabasa ko lang ha...

  16. lyka nakakaramdam ka din ba nung minsan pag sisipa sya parang mawiwiwi ka? minsan every 15 to 20 mins ang wiwi ko unti lang naman

    Dianne----ay naku palagi lalo na sa gabi pag nakahiga na ako to sleep lalong sumisipa yan at napawiwi ako...pag umubo din ako napawiwi rin ako...

  17. Congrats Jimfibi di mo ba matandaan kung kelan last period mo para malaman mo kung ilang weeks ka ng preggy. Pero ok din yan na ma ultz ka para sure. Mahirap na masarap ang mag alaga ng baby pero wag mo munang problemahin ngayon yan, isipin mo muna kung pano mo dalhin ang pinagbubuntis mo. Me 9 months ka pa para pag handaan ang pag aalaga. Tinignan ko ulit pic mo kasi nalito ako sa sabi ni pink kung pinagba burp mo rin ba baby mo hehe, pusa mo pala mini mean nya.

    Pink - ok naman kami ng fussy, gassy and spoiled Letcher ko, medyo natutuwa ako dahil 5 nights na syang di umiiyak I mean yung unending cry na me scream pang kasama. Pero hirap parin ako lalo na sa araw kasi ayaw magpabitaw gusto laging karga. Di ako makagawa ng gawaing bahay kapag gising sya. Ibibili ko nga sya ng swing, baka sakaling magbago sya. Natuwa naman ako sa pic ni zac, nahalata tuloy ang 4 layers nya hehe. Sabi nga nila mag da dry daw skin ng baby kung everyday pinapaliguan. Once a week ko lang binibigyan ng bath si Letcher at sa gabi din para makatulog sya ng mahimbing. Pero nung isang gabi napilitan akong bigyan sya ng bath kasi nag poop ba naman ng isang damukal kaya sabi ko di ako kuntento kung wipes lang. Hirap pa kung paliguan si Letcher, natatakot parin ako minsan although di naman sya umiiyak kapag nasa tubig. Siguro kpag 3 months na sya magiging kumportable na ko. Ask ko pala ano effect sayo ng birth control shot? Nabasa ko kasi na that will mess up your period, gain weight, headache, anxiety and dizzines. Kaya di ako makapag decide kung anong birth control method ang pipiliin ko.

    Eve - Sabi ng friend ko hanggang 3 years old free ang airfare sa mga baby, tax lang daw babayaran mo. Siguro yung $208 na binayaran mo eh tax lang yan. Buti kpa makakauwi na. Naku nanay ko naiyak daw nung umuwi yung friend ko sa pinas dahil nainggit. Im sure excited kana, pinaghahandaan mo na nga pala ang pag lamon mo hehe. Sulitin mo ha hehe.

    Doc gracey- Laki na ni maizy, sarap kagatin ng pisngi namumula pa. Excited narin akong makita si Letcher na ganyan kung tumawa.

    RR - try mo yung pedia lax kung constipated si baby. Prescribed yan ng doctor ni letcher. Supository sya and it works in minutes. Tinry ko sya kay letcher nung isang gabi kasi 4 days na syang di nag poop. Wala ngang 1 minute eh nag poop na sya ng sangkatutak. Iniisip ko ngang subukan sa akin kasi lagi din akong constipated hehe.

    Lykatodd - Hows your pregnancy so far? Ganda naman ng magiging name ng baby mo.

    Kung gano ka easy ang pregnancy ko pinapahirapan naman ako ngayon ng baby ko pero sabi ko nga konting tiis lang tutal madali lang nman silang lumaki. Na spoiled kasi, di ko rin kasi matiis na pabayaan syang umiyak. Tinry ko narin kasi na hayaan syang umiyak to see kung tatahan mag isa pero ayaw talaga hangat di ko sya pini pick up. Napapatulog ko sya sa chest ko pero kapag nilapag ko na sya sa crib nya in 30 mins. gising na. Tulog manok ginagawa nya sa araw which is ok sa akin para makatulog sya ng maayos sa gabi pero di naman ako makakilos sa araw. Sa gabi tinatabi ko sya a kaya masarap tulog nya umaabot sa 3-4 hours, ibabalik ko na nga sya sa crib nya sa gabi kasi lalong na i spoiled. Tapos darating na ulit daddy nya next week baka daddy nya matulog sa crib kung di ko sya isasanay ulit sa crib hehe.

    Gising sya ngayon kaya paputol putol type ko at minsan isang kamay lang nag ta type. 6 weeks postpartum check up ko na sa 30, ano ba ginagawa ng OB? Sisilipin ba nya ang ehem ko to check kung heal na tahi ko?

    Brettane-- look at the smile of ur son, chicksboy ata yan paglaki...hahahaha...So far so good kasi ang likot na talaga nya parang ginawa yatang trampoline ng baby ko ang tummy ko...hay ang sarap talaga to feel sa mga punches at kicks kahit masakit sometimes...

×
×
  • Create New...