Jump to content

andrew&evelyn

Members
  • Posts

    808
  • Joined

  • Last visited

Posts posted by andrew&evelyn

  1. hehehehehe..nakakatawa ka naman eve...same din sa akin mas hubby ko kumakausap sa baby namin... 5 months ba bago mag try ng solid food? nakalimutan ko na kasi yung sa kapatid ko before...natatandaan ko before yung kapatid ko cerelac yung pinapakain namin sa kanila nung first time solid food nila... at first maninibago talaga sila at iluluwa lang yung food pero yun nga dapat consistent rin kahit niluluwa para lang masanay sa lasa...maganda ba yung gerber? ano ba yung magandang pagkain for the baby? i guess ill ask na kahit maaga pa para malaman ko anong maganda at mura...hehehehehe. 3 months na kasi baby ko now...

    riza, thanks...sa ngayon parang nakalimutan ko na gaano kahirap mag isa sa hospital at least nakaraos ako...hehehehehe...as of now im praying for a fast healing and recovery...

    tanong lang...anong months ba nag start na mag roll over ang baby nyo?

    God bless sa lahat.

    ganun din pala baby mo..daddy's boy. kaya siguro sila daddy's boy kasi lagi sila kinakausap ng tatay nila.hmmmm..minsan nga feeling ko nanny lang ako eh ehhehehe. 3 months na ba si tyree? ang bilis ng panahon. Bale don sa brochure na binigay sa amin ng pedia pwede na mag start ng rice cereal ang baby at age 4...pero we started feeding jacob at 5 months. We used gerber ok naman sya..yong medyo malaki na jar it cost like .50 cents yata not sure kasi daddy nya bumili tapos its good for 3 days..(for a starter) ewan ko lang pag malakas na kumain baka isang kainan na lang yong isang jar.

    pag nakita mo sa live traffic mo from Sacramento ako yon...kaya post ka lang ng post para may babasahin ko sa bolg mo :)

    grabe ang hirap pala ng lagay mo sa hospital...and ang tapang mo pag ako yon baka iyak na ako ng iyak.

    but im really glad that your back now. Alive and kicking hehehhe.

  2. Try mo muna yong mild ang lasa. Si Evie binigyan ko ng applesauce the other day, naku, ayaw nya. Maasim ang mukha. At ng tinikman ko ang applesauce medyo maasim nga. Ayaw din nya ng green beans. Ginawa namin, hinalo namin sa butternut squash or peas, at naisahan namin, kinain nya :D Try mo lang araw2x. Btw, just want to share sa baby book na binabasa namin for reference yong food na ni-recommend for 6 months old: barley cereal, oat cereal, applesauce, bananas, pears, peaches, peas, carrots, green beans, sweet potato, & squash.

    Also Eve, try mo mag-pretend na kinain mo yong nasa kutsara nya at parang sarap na sarap ka. Baka ma-convince si Jacob na tikman at hopefully, kumain. :)

    Sige nga yon ang gawin ko. So far rice cereal, apple strawberry, and banana pa lang yong na try namin sa kanya. He is only 5 months and 1 week today. Sige try ko yong suggestion mo...yong apple strawberry medyo maasim-asim nga pero yong banana matamis naman. Tinitikman ko kasi muna bago ko sya pakainin kaya alam ko yong lasa.Tapos pinapakain ko sya pag gutom na sya pero la epek. Sige try ko yong suggestion mo...baka makatulong :) Pag daddy nya nagpapakain ok naman sa kanya kasi kinakantahan sya tapos yong pag ibuka na nya lips nya to smile sabay subo ng daddy nya...sa akin yata naboboringan sya kasi subo lang ako ng subo :D

  3. Hi Mommy Eve!

    So far kay Evie, di kami nahihirapan sa pag-introduce ng food. Rice cereal muna binigay namin the first week tapos mini-mix namin formula para familiar sa kanya ang lasa. The second week, yong carrots. Yong first taste n'ya, na-surprise sya sa lasa kasi nga yon yong first time nya na nakatikim ng matamis. Matakaw si Evie sa solid food hanggang ngayon.

    Tina-try mo ba ang rice cereal? Ano binigay mo na ayaw n'ya? Baka di nya gusto ang lasa, maybe you can try another kind of food na mild ang lasa. Or better yet, ask his pedia kung ano recommendation n'ya. Masasanay din yan si Jacob, naninibago lang.

    One week ko sya pinakain ng rice cereals parang ayaw nya. Tapos ngayon minimixed ko na lang sa bottle nya yong cereal. 3 days ago I feed him ng apple strawberry ganun pa rin..talagang sinasara nya yong lips nya. Today I feed him banana parang ayaw pa rin nya eh..siguro try ko na muna paunti-unti..sya lang yata ang batang lalaki na di malakas kumain hehehe.Buti si Evie kain lang ng kain :)

  4. May tanong ako sa mga mommies na kumakain na yong baby nila ng baby food. Normal ba sa babies na pag pinapakain eh at first parang ayaw nila? How many feedings ba normally before magustuhan nila yong baby food what ever flavor man yon. Kasi si Jacob everytime I feed him talagang di maipinta yong mukha nya, tapos talagang kino-close nya yong bibig nya pag pinapakain ko..tapos kahapon nag throw up pa sya.

    Here are some pics of him eating na sinasara nya yong lips nya.

    121.jpg

  5. hello sa lahat,

    nakakawindang nga itong vj...nakakalito...

    anyway...musta na lahat...

    brettane, good luck pala at malapit ka na...i hope for safe delivery and normal too. about sa diaper...naku naka dalawang box pa lang kami ng tag 288 pcs ng huggies...yung second box nabili namin nung jan. 31 at out of 288 pcs meron pa kaming 63 pcs. medyo mabilis nga naubos kasi nawawalan kami ng diaper pag nasa babysitter ang baby namin.

    pink, ang saya mag blog blog kaso di ko pa alam paano kumita gamit ang blog hehehehehehe...ni di ko pa talaga alam lahat sa blog nagblog blog lang ako kono hehehehehe...ang laki naman ni zac...naku baka maging dambuhala yan hehehehehehe...

    ate rose, buti na lang at di ka tumawag kasi di rin naman kita makakausap kasi nakawire yung bibig ko nung nasa hospital ako...i communicate thru writing sa hospital ang hirap ng ganun ha...buti na lang nacover ng insurance ko ang surgery ko but i dont know sa hospital stay pending pa ata or i dont know baka makacover...sana lang or else baon kami sa bills nito hehehehehe...kung macover man we will be so lucky kasi wala kaming babayaran even a single cent. sana lang.

    right now, i think im recovering hehehehehe may follow up check up ako this friday and so is my baby to his pedia. im like a baby actually i only drink liquid thru straw sa mouth or tube sa ilong it depends sa akin kung saan. yesterday we went fishing and nakahuli hubby ko ng two big fishes pero instead na ma happy ako nalungkot ako kasi of all time ngayon pa na di ako makakain.

    yup, im really happy na close na sila and simula nung sya na nag alaga sa baby namin eh narealize nya how good our baby is...natutulog sila so close together...tapos same blanket din sila. natatakot nga ako baka matabunan ng blanket but everytime i wake up and look at them hindi naman. tapos yung baby ko nakalean yung face nya sa katawan ng hubby ko ganun sila matulog.

    God bless sa lahat.

    RR-di bilis mo na ulit pumayat nyan kasi di ka nakakain. Katakot naman pala yong surgery mo. Tapang mo talaga :)

  6. Nothin new here. Just letting y'all know still alive and kicking, literally, the baby that is. We DID finally get blue cross blue shield for maternity only, which helps a lot. And wow, someone at work gave me a bassinet, walker, bouncer and a car seat! So we struck it rich.

    Mom got out some of my old baby clothes and blankets for our baby boy. We got those here now too. Just am amazed things like that hold together for half a century :wacko:

    Would comment on things here if I understood Tagalog, but cant... so........ am thinking of seeing if anyone bights at an All Pregnant Daddies thread.

    God bless you all!

    Brian in Tennessee

    Hi Brijo..nice to hear your wife and baby boy are doing well. I think having an insurance is a big help and lessen the stress for your wife. We paid for my personal and insurance and really help us a lot.

    Good for you for having those free stuff..maybe somebody can hold a baby shower for your wife too :)

    Hmmmmm...maybe you can talk to Daruma as his wife is pregnant too and he is the one posting about it :)

  7. hehe, oo I am waiting on their fight na.

    Pink, Riza- wala sana akong balak manood ng fight kaso nong nakita ko yong link na binigay nyo sinubukan kung buksan kaso ayaw mag work and I thought na bukas pa ang fight yon pala ngayon na. Hayun ayaw nga mag work na mapabili tuloy kami ng PPV :( sayang $ 55 tapos para namang walang ka challenge challenge yong fight hehhehe. Although hubby planned to surprise me by buying ppv nag hinayang pa rin ako don sa bayad.

  8. hello sa lahat,

    salamat sa lahat ng mga prayers ninyo... hehehehehehe...sa wakas im home na ulit from being in the hospital for 16 days...

    hay di pa ako makachikka about sa surgery ko kasi i need to do some things pa dito sa bahay...though i need to do it slow kasi im still recovering...

    and i need to take care of my baby kasi from a silent baby naging super talkative baby ko kasi sa hubby ko...he wants attention now... im alone with my baby now kasi work si hubby ko. pag my time ako chikka ako.

    my surgery was two days. first was 12 hours then second was 9 hours.

    thank you sa lahat... God bless sa lahat.

    RRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRR-----(shouting) Na excite naman ako nong nakita ko na nag post ka...ibig sabihin you are OK now. Buti na lang di ka inabot ng 1 month sa hospital. Sya wag ka muna mag papagod wait na lang namin chika mo about your surgery. WELCOME BACK!!!

  9. Hello.. wow uuwi ka ng pinas?? buti kapa.. ilang araw kau sa pinas? uuwi kaba ng SOUTH talaga??

    kamusta na kaya ung 2 mommies na mag anak this month,, hope okey lang kau..

    anyway. nakuha na namin ung result ng ECHO test -- NORMAL.. naku grabe talaga 2ng DR ni JM.

    wala naman sa lugar ang pa test nya.. bakit ganito dito sa states more on GASTOS.

    ano naman kaya ang next na ma observe nya.. ay nalang....

    Hi Shiela buti normal yong Echo test ni Jm. Ganyan talaga siguro dito. At least ngayon alam mo na his heart is OK.

    Bale more than 3 weeks kami don. Yup don mismo sa South. Tagal ko na kasi naka uwi--more than 3 years na.

  10. Pink - LOL. she got Daddy's hair...pati ugali yata :whistle: And she "fist-sucks", too. :) She is happiest pag tinatayo sya...and she is just about 2.5 months. She doesn't want to lay around much. Ambisyosa nga, sabi ng lola nya sa Pinas. She regularly sits in her bumbo, especially if she is awake during our mealtime. She has just about established her sleeping schedule. She is up at around 7:30am, starts getting sleepy around 10am, naps till about 1pm, another nap around 4pm, wakes at 6pm then gets sleepy again around 9pm. Of course, in between those hours she feeds, pees and poops, plays with Mommy or Ate or Daddy, spends time in her swing or her bouncy seat or under her crib mobile or on her playmat. She finishes an entire 4oz bottle of formula in addition to breastmilk so that she has about 4-5 bottles in an entire 24-hour period. She is nearly the width of her pack-n-play so that I may not be able to use the changing table part of it in the next month or so. Haay...ang bilis ng panahon...I miss her newborn baby-ness already :(

    Marybeth - naku, you'll never know; baka after a couple of years gustuhin mo ulit mag-baby. :innocent: But if you really don't want anymore kids, a tubal ligation or Essure would be a permanent fix. I never want to go on the pill kasi nga I am quite sure that I will fore more than just 1 time to take it. Plus the myriad of side effects (weightgain, hypertension, migraines, etc) aren't exactly enticing. BTW...Cleveland ka pala. Dito kami in Dayton, about 3 hours south. I've relatives in Kent :)

    Eve - good for you. We want to be able to do that too kaya lang malaking gastos since 4 kami. Alec is 75% air fare, Maizy would be free, but still malaking pera pa rin yun. Instead, my brother is flying in with my mother this November, along with an aunt and uncle. Pati yung pinsan kong jet-setter pupunta din daw dito. Will spend Thanksgiving and the Christmas holidays here. Now that would be real fun to look forward to :)

    Been quite busy lately. Am awaiting the outcome of a job interview I had last Monday. Hopefully they hire me as I am really wanting to go back to work in a familiar environment. Plus, it would be really nice to be able to make some $$$ on my own :innocent:

    Hay naku Doc Gracey eh buti ka pwede punta dito yong family mo para bisitahin ka. Kung hihintayin ko yong parents ko na sila pumunta dito eh baka di na kami magkita kasi naman di ba ang hirap kumuha ng tourist visa lalo pat wala namang sapat na pera yong mga nanay ko...dedeny lang sila ng consul hehehhe. Kaya kahit medyo gipit hala go pa rin kami..

    Malaki na Maizy ah...parang kailan lang yon ah..bilis talaga lumaki ng mga bata.

    Goodluck sa job interview..sana tawagan ka na nila kung kailan ka na pwede work :)

  11. Hello to all mommies at mga buntis,

    Brettane, Las Vegas, barenaked - good luck sa pag-ire, push lang kayo ng push. Yung para lang kayong nagpoopoopoo hehe. Sana mabilis ang labor nyo at hindi kayo mahirapan. Don't forget to post pics of your babies at balitaan nyo kami dito ha :)

    Sweetpink - laki na ng baby nyo! Kakatuwa naman kasi bilis nya lumaki at ang cute cute ha :)

    Doc gracey - haha! kakatuwa yung hair ni Maizy, buti pa cya maraming hair si Zac kalbo pa din lol!

    Eve - buti pa kayo makkauwi ng Pinas. May bayad na ba si Jacob sa Airfare? kasing price din ba ng adult fare?

    Ady - kami din di gumagamit ng contraceptives. Sana datnan ka na ng makahinga ka na ng maluwag.

    Marybeth - laki na rin ng baby mo saka tumaba :)

    Musta na kaya si RR, I hope na ok na cya now.

    Busy busihan mode ako lately kaya now lang me nakapagpost hehe. Si Zac naman ay palakas ng palakas kumain saka pabigat na pabigat. I am happy kasi hindi cya mahirap alagaan at napakamasayahin nyang bata. He will turn 3 months old this coming 17th at visit nya sa Pedia this coming 18th.



    CIMG5592-1.jpg

    I caught him sleeping while holding his ears and tongue sticking out LOL!

    CIMG5541.jpg



    Sa sobrang katakawan eh hindi thumb suck ginagawa kundi fist suck LOL!

    CIMG5579.jpg

    God bless sa lahat! :)

    Pink- we paid $207 for Jacob..daya nga eh kasi lap seat lang naman sya dapat libre na hehehehe. Sabi nong taga agency mas mura daw this time April-June. Pero medyo malaki din yong binayaran namin for July flight.

    Oy laki na ni Zach..malakas pa rin ba dumede? Tanong ko pala di ba nagamit ng nuk na bottles? Pag sinusupsup ba ni Zach di nag tsutsupi yong tsupon? Kasi we got 3 nuk bottles kaso pag nadede na si Jacob na tsupi yonng tsupon. Nyay para naman tong chinese..tsupi tsupon hehhehe.

    Oo nga naiisip ko din si RR..musta na kaya sya?

  12. here is an update of my now 8 months old son. no more baby car seat and getting started for his basketball career :lol: with dadday's fav team Cleveland "CAVALIERS"...

    Ang cute naman...laki laki na! Gusto ba talaga nyan mag basketball? Si Jacob ewan anong landas ang tatahakin nito hehehe.

  13. Ako din mommy evelyn okay lang din sa hubby ko na magbuntis ulit kasi daw hindi na daw kami bumabata..Lol..Pero ayaw ko pa talaga. At least mga one year muna after kaming magtry ulit for our boy kasi ngayon nag-aadjust pa talaga ako sa new member ng family..Hay ang hirap kayang mag-isa kasi nga wala naman siya palagi nasa work. Ewan ko ba kung kelan ako dadatnan nito,sana naman dumating na para hindi na ako maagworry :crying: :crying: :crying: halos isang buwan din akong nagbleeding after pagkapanganak pero very light lang talaga..Hay nakakaloka ito. Nung binigyan kasi ako ng prescription ng Ob ko tapos dapat sunday ako dapat magsimulang magtake eh nagdadalawang isip ako kaya hindi ko muna tinuloy eh di naman maiwasang humiling si hubby kaya ayun kawawa naman kasi..lol..

    anu nga palang gamit nyong contraceptives Mommy Evelyn?

    Di ka pa ba nadatnan since nanganak ka Mommy Adie? Kung ganyan kasi mahirap yan kasi di mo talaga alam kung kailan mo expect ang period mo. Baka naman padating na yan. Wag ka na masyado mag worry...alam ko madali sabihin pero mahirap gawin kasi for a week worried din ako buti na lang talaga dumating. Wala kaming gamit kasi ayaw naman ng asawa ko and beside ok na ok talaga sa kanya kung magka baby man kami ulit hehhehehe. Even kasi before na wala pa sa plan na mag baby kami wala din akong iniinom.

    hintay mo na lang dadating din yan :)

  14. Di ako familiar mommy evelyn. Hay napaparanoid nanaman ako. Ayaw kasi ni hubby gumamit ng kahit anung contraceptives, kahit condom kasi messy daw..Hay nakakapraning :crying: :crying: :crying:

    ganyan din ako..kasi last dec normal na talaga yong bisita ko as in they same date talaga sya dumating for 3 months..tapos nitong march hindi dumating don sa expected date ko...8 days wala pa rin kaya takot na takot ako..buti na lang dumating din naman. although ok lng naman sa asawa ko mabuntis ako ulit..ako talaga yong ayaw pa kasi gusto ko talaga muna enjoy si jacob.

  15. Hello mga mommies..

    ito ang first smile ni JAMES MARTIN :-)

    and latest picture namin mag asawa with our lil peanut hehehe..

    he is now 7 weeks :-)

    yummm.jpg

    Isn't that feel so good to see your baby's smile :) Kasunod yan..halakhak na :)

  16. Ala pa rin ang period ko since I gave birth. It is possible for me to get pregnant again if we made love ( unprotected) after the 6 weeks recommended time frame? Nakakapraning naman ito. Pa share naman ng mga insights mga mommies.

    I think may possibility...yon bang tawag nila na "nalangkuyan" sa ilonggo not sure kung alam mo ang term na yan.

  17. Eve alam mo natatawa ako dito sa asawa ko sabi daw dito sa US isang ninong at isang ninang lang sa binyag? sabi ko hala sa amin kahit isang barangay pa pwedi hahahaha ano ba yan... wow ang sarap naman maka bakasyon ka na saan ka ba sa atin Eve?

    Hi Mommy Rose, sa mindanao po ako. Bale sa South Cotabato. Wala rin kasi kaming relatives dito pareho. When we got married nga noon lima lang kami lahat kasama na pastor hahahaha. Kaya we decided na sa Pinas para makasama rin family ko. Ay ganun ba..isang pares lang? Kuripot naman :))

  18. wow thats great Evelyn, love that uwi ng pinas thats my favorite place to go...hahahaha

    Dumating kc ako dito sa US Jan. 2009 then bakasyon agad ako Sept. 2009 so next uwi ko ay when my baby will turn 1 year old kasi plano ko doon cya mag birthday, ay naku plano na kaagad hindi pa nga lumabas...hahahaha

    Mag 3 years na kasi ako dito tapos di pa ako nakauwi sa amin :( Tsaka sabi ng nanay ko uwi daw ako pag may bitbit na :D Don na rin namin pabinyagan si Jacob.

  19. Thanks eve, Were so excited kahit umurong ang due date ko hahahaha...

    Ok lang yan at least may kasabay ka. Tsaka most of the mommies here nanganak ng mas maaga sa due date nila isa na ako don.

    Oy ang dami mo namang baby shower..laking tipid nyan sa gamit ni baby kasi dami magbibigay :)

  20. Ha ha ha ha, nakakatawa naman ang mukha ni Jacob :lol: gano'n din si Evie no'ng una nyang tinikman ang carrots. Bigyan n'yo muna ng rice cereal si Jacob at least 1 wk to 10 days bago nyo i-introduce ang veggies...yon kasi advise ng pedia ni Evie kaya she started with rice cereal. Sobrang bonding na talaga si Daddy at Jacob ha? Ok lang dahil pag may baby girl ka na, kayo din ang mag-bonding :)

    Ah so normal lang pala yon na di mapinta mukha nila for the first feeding? Naka dalawang bukas kami ng baby food kasi nga akala namin ayaw nya. Sige yon muna gawin namin rice cereal first then tsaka namin isunod yong veggies.

    Super bonding talaga...parang epoxy silang dalawa hehehe.

  21. mommies my ask ako..

    c jm is 6 1/2 weeks ryt now, nag start na kmi ng rice cereal, ito ung napamsin ko.. sa morning every 3 or 4hrs sya na gugutom.

    sa evening naman. hindi sya umiyak para mag dede. ako ung gumigising.. pro 6-7hrs ung pagitan..

    like the yesterday pina dede ko sya 9pm d sya gumising para mag dede. naka gcing ako 4am, thats 7hrs.. pero 2log sya.

    ang tanong ko possible ba n d sila nagugutom for 6-7 hrs? kasi na sanay ako 2-3 hrs pag gabi dede sya..

    at nakaka 2log na sya ng 6-7hrs at nyt.. is dis normal? ganon ba bb nyo noon?

    thanks

    Hi Shiela I think yan ang purpose ng rice cereal para di gising ng gising ang baby kasi nga malapot sya and very filling kaya di nagigising ang baby dahil nga busog pa. Yan din turo sa akin ng mother in law ko for Jacob kaso di ko sinunod 1 month pa lang si Jacob nong sinabi nya sakin. Kasi naiisip ko baka di nya makuha yong nutritions na kailangan nya kasi nga di na sya masyado dede. I don't mind waking up at ningt to feed him as long as he get the full calories he needed. Pero naiisip ko na siguro I'll start putting rice cereal sa milk nya before matulog kung 6 months old na sya.

×
×
  • Create New...