Jump to content

Brettanne

Members
  • Posts

    260
  • Joined

  • Last visited

Posts posted by Brettanne

  1. @Pink - ganyan na ginagawa ko ngayon binibigyan ko sya ng laruan kapag pinapalitan ko sya kaya medyo behave na sya. Oo nga kusa nalang din nagbi burp si letcher ngayon pero sa gabi kapag nagigising sya para dumede di ko na sya pini pik up para ipa burp. Ay naku na mention mo yung pagkagat, kanina lang eh kinagat din ako ni letcher sa balikat at hangang ngayon eh nararamdaman ko pa ang sakit. Mahilig narin sya mangagat ngayon. 4 palang ngipin ni letcher (tig 2 sa taas at baba) pero meron pang 2 tumutubo sa upper front so bale magiging 6 na soon. 6 months sya nung tumubo ang 2 ngipin nya sa baba at 7 mos. nung tumubo yung 2 sa taas.

    @RR - Kahit ako naglalagas din ang buhok ko hangang ngayon. Lalo tuloy numinipis ang buhok ko. Sabi nila kapag gina grab ng baby ang buhok mo eh reason din yun sa paglalagas. Kaya ako laging nakataas ang buhok ko. Hate ko pa naman ang buhok sa floor buti nalang naka carpet kami kaya di halata pero sa bathroom naku wala akong ginawa after ko mag shower at mag blow dry kundi magpulot ng mga buhok ko.

    Letcher learned to do "high five" now, tinuruan ng auntie ko dito sa FL. Natuto naring paglaruan ang dila nya yung labas pasok sa bibig na parang lizard hehe. Marunong narin syang magpa picture ngayon, laging nakangisi. Nakakatuwa talaga ang development ng mga baby natin no. Hirap lang ako sa paghahabol sa kanya kapag nagku crawl sya, mahilig kasing tumayo basta me nakakapitan kaya lang minsan eh nagla land sya on his back tapos tatama ang ulo nya sa floor. Naku more habulan pa to kapag nag start na sya maglakad.

  2. Pink & RR - Oo nga sana dito lang sa FL tong mga pagbabagong to. Ang mahirap nito pagbalik namin sa VA eh mahirapan naman akong patulugin sya sa crib nya kasi magkatabi kami dito sa FL, wala kasing crib. Expected ko nga magugustuhan nya yung front facing car seat kasi makikita nya ang view sa labas ng mabuti pero hindi eh. Naninibago nga lang siguro sya. Everytime kasi na me check up sya merong binibigay ang Pedia nya na mga checklist about DO's and DONT's at isa dun ang tungkol sa carseat. Ewan ko ba, masyado lang masunurin tong asawa ko. About naman sa pag change in public, siguro ayaw nya talaga kasi matigas yung changing station. Nasanay kasi sya sa changing table nya at sa bed. Ang hirap na nya kasing palitan ngayon once na pinahiga ko eh tumataob bigla at kung ano ang kinakalikot. Kaya mas madalas ko na syang palitan sa bed.

    Ay naku Eves dati akala ko hindi na magbabago si Letcher about sa vacuum. Isang beses lang pala yun na hindi sya natakot. Ngayon naku parang nakakakita ng multo everytime na mag vacuum ako, as in sumisigaw pa. Kaya nakakapag vacuum lang ako kapag nasa bahay daddy nya at pinapalabas ko silang dalawa. Pati sa hair dryer eh natatakot narin, pati pag sneeze ko kinakatakutan...akala nya siguro sinisigawan ko sya.

    Tanong ko din pala...hangang kelan ba dapat ipa burp ang baby? Sa gabi kasi tinatamad na kung buhatin sya para lang ipa burp lalo na kung nakakatulugan na nya ang pag dede.

  3. RR & Pink - parehong pareho lang tayo ng experience sa mga baby natin. Mawala lang ako sa paningin nya eh umiiyak na kagad kaya nakakagawa lang ako ng household chores ng mabuti kapag tulog sya. Di ako mahilig mag close ng bathroom kasi 3 lang naman kami sa bahay at lalo na kung wala asawa ko 2 lang kami ni letcher. Except kung magsha shower ako or me bisita hehe. Ako naman ang sinisisi ko ang asawa ko kasi kapag nasa bahay sya at nasa kitchen ako naku dadalhin nya si letcher sa kitchen at papanoorin nila akong dalawa. Pink you mentioned yung pag change ng diaper sa public restroom, yan ngayon ang problem ko kay letcher. Sana dito lang sa florida to, twice ko na kasi syang pinalitan sa changing station sa public restroom sa lugar namin sa VA pero di naman umiiyak. Ngayon kapag pinalitan ko sya sa public restroom ay naku ang lakas ng iyak na parang natatakot, nahihiya tuloy ako.

    Me problem pa pala ako...all of these are only happening in FL. First time ko syang binigyan ng bath dito sa FL without his baby bath tub, naku natatakot sya sa big bath tub. Nakakapit lang sya sa akin na nakatayo kaya nahihirapan ako kasi madulas. Once na nga syang nadulas at tumama yung bibig nya sa bath tub at nakagat labi nya kaya ayun dumugo kasi 3 na ngipin nya sa taas. Normal ba to? I mean ganito ba talaga sa umpisa kapag sa big bath tub na sila papaliguan? Twice ko na syang pinaliguan ngayon na di na sya umiiyak pero nakakapit parin sya sa akin. Kaya nababasa din ako kapag pinapaliguan sya. Second problem ko, di ko na kasi dinala yung car seat nya dito sa FL kasi meron namang old car seat yung pamangkin ko pero pang front facing na. Lagi din umiiyak si Letcher, naninibago lang kaya sya? Eh pagbalik namin nito sa VA back to rear facing ang car seat nya. Ayaw pang palitan kasi ng husband ko yung car seat nya ng front facing kasi ang advice daw talaga eh until he turn 1 year old. Kwento ko nga sa kanya na me mga mommy's kako sa VJ na nagpalit na ng car seat kahit wala pang 1 yr yung mga baby nila. Anong experience nyo sa baby nyo nung pinalitan nyo ng front facing car seat?

    Thanks mga mommies. God Bless!

  4. heloo mga momies ask ko lng sana if naranasan nyo din ba yung nagiging experience ko after kong manganak kc nanglagas bohok ko ehhh natural lng ba yun? o my something wrong na sa akin? myron dn ba d2 na nanglagas ang bohok after manganak? :( kc dati hindi ko nman n ranasan eto ehhhh. :(

    Yap, thats normal. It's hormonal changes.

  5. magnolia28 - goodluck sa baby shower. Hindi ako nag baby shower kasi wala naman akong mga friends dito mga relatives ko nasa ibang state at 2 lang sister in law ko. Bale nagbigay nalang sila ng gifts. Tama sila kahit san ka pumunta meron kang makikitang made in china. Mura kasi labor sa china kaya dun pa nanggagaling mga products na nandito. Meron din made in the Phils. kapag na swertehan mo. Husband ko dati binilhan ako ng Old navy shirt dito tapos made in the phils. lol

    ria_s - Di pa ko nakaka kita ng pik-nik shoestring potatoes dito kahit sa asian store dito sa amin. Kung me nakita ka naman palang original flavor eh pwede na yun, sprinkle mo nalang ng chili powder. Dahan2 ka lang sa spicy foods malakas magpa hurt burn yan. Mahilig din ako sa spicy foods pero nung buntis ako di masyado lalo na nung nag breastfeed ako, masama daw kasi sa baby.

    Goodluck and enjoy being pregnant! God Bless!

  6. hello mga mommies...balik vegas ulit ako pagkatapos ng 40 days na vacation sa Pinas.

    Update ko lang sa baby ko, yesterday was his appt and 21 lbs na siya at 27 in. tall, nag-start pa lang siyang mag crawl am sure late na un kc mag 7 months na siya this Oct. 10. About his WIC also, ung 9 cans niya dati ay 7 cans nalang now pero meron na siyang cereal at baby foods na nadagdag at ung milk etc for me ay nawala na:) sa baby ko nalang...

    Brittane-ngayon ako mas natakot ihiwalay sa pagtulog ko baby ko, tulad din yan nung nasa Pinas ako last month, nasa news na isang 10 months na baby ang napabayaan kc nag laundry ang mother at ang baby ay nasa duyan na lubid...pagbalik ng mother wala ng buhay ang baby kc malikot na kc ang 10 months at naslide ung ulo ng baby at napulupot sa leeg niya ung lubid na duyan...merong crib ang baby ko pero di ko ginagamit sa kanya kc tabi tabi lang kami sa pagtulog, antayin ko nalang kako na lumaki siya at saka ko na ihiwalay, ang resulta naman ay ako din nahihirapan kc gusto palagi na nakikita ako at ang medyo mahirap pa ay kapag cooking time na ay pakarga pa siya...gandang exrecise ko tuloy. Buti okay naman si Letcher...till now natatakot pa din ako kc baby ko ang nakikita ko sa mga ganyang sitwasyon ay baby ko...hayyy hirap talaga maging nanay, lahat kinakatakutan:)

    Someday---hope di ka maoffend sa tanong ko ha:) bakit ang hilig mo sa "o" minsan lang "u" di ba merong filipino na subj from elem to college...minsan gusto kong magreply sa mga tanong mo pero parang nangongongo ako kapag nagbabasa ako ng comment mo kaya skip ko nalang msg mo...hope u wont mind me asking:) peace out.

    Welcome back! Dapat umpisahan mo na syang isanay na matulog mag isa nung mga 2-3 months sya tinatabi ko pa sya kasi di pa sya malikot ngayon di na talaga pwede. Ganyan din ang baby ko, naku mawala lang ako sa paningin nya eh umiiyak na kaya minsan kapag nagluluto ako eh karga ko din sya which is not good. 6 days lang ang tanda ng baby mo sa baby ko, bigat na pala nya. Di ko pa tinitimbang ulit si Letcher pero last doctor's visit nya (Sept. 17) nasa 17 lbs lang sya. I'm sure bumigat na sya ulit ngayon kasi 3 x ko na sya pinapakain ng baby food as per his doctor's advice.

  7. Eves - Nung una inisip ko yun na i reklamo sa manufacturer pero nothing really bad happen naman and it could happen from all cribs kapag di naibaba yung matress.

    RR - Gusto ko rin syang itabi minsan sa bed kaya lang bukod sa nag aalala ako na baka mahulog sya eh di ako makagalaw kasi sumisiksik sya sa tabi ko kahit na malaki ang space sa tabi nya.

    Mahirap na talagang mag alaga kapag nag umpisa na silang mag crawl, tumayo at maglakad coz they still don't understand what "NO", "DON'T" means. Si letcher nga once na nilagay ko sa floor eh kung saan2 nakakarating kaya ako naman eh harang dito harang doon ginagawa ko.

    Pink - starting from 9 mos. babies are ready for table foods according to Letcher's doctor. Umpisahan mo sa kaning me sabaw at mga soups.

    Sa mga mommies pala na bumibili ng beechnut baby foods, ipunin nyo yung label ng jar and go to the website. You need 48 labels proof of purchase then fill up the form and send it to them and they will send you 4 pcs. $1.00 coupon. I just did.

  8. Hala nakakatakot naman yan. Buti naagapan mo agad. Kami naman di rin namin naadjust agad yong mattress kaya ang nangyari lumagpas naman si Jacob at nahulog sya. Buti na lang magkadikit yong crib nya at bed naman kaya sa bed sa bumagsak.

    Oo nga eves, galit na galit tuloy nanay ko sa akin. Huwag na daw akong umuwi ng pinas kung me mangyaring masama kay letcher hehe. Daddy naman nya nagsisisi kung bakit di nya naibaba yung matress nung araw na naisipan nyang ibaba. Kaya ayun naibaba narin namin sa wakas kahit na nakakapanibago. At di ko na sya iniiwan sa crib na di ko sya nakikita.

  9. Sheila - You already got 1 vote from me.

    Pink - Maganda nga yung Avatar costume, carry mo yan. Di ka naman mataba eh, tsaka fitted naman yan...mag si shrink tyan mo.

    Haaay shared ko lang experience ko this morning about Letcher. He always wake up first so kapag nagising na sya gigising narin ako. Though he can entertain himself by playing on his crib for a while. So bumangon na ko to wash my face and brush my teeth. But when I was about to brush, I heared him coughing. So I though he was just acting kasi minsan ganun sya. Buti nalang at naisipan kung silipin sya and I saw him hanging his neck on the front rail of his crib. It's been few weeks kasi na he can stand up with support, especially when he is on his crib. Nakahawak lang sya sa rail, well of course I thought it was cool to see him standing with support but I never thought things like that could happen. The other day, we were already planning to adjust his mattress down, pero sabi namin di pa naman nya nai aakyat ang mga paa nya para makatalon sya. Kapag tumayo sya kasi lampas naman sa leeg nya yung rail. The way he was hang was he fell from his side at di na sya makagalaw. Ay grabe napaiyak talaga ako nung pagbuhat ko sa kanya kasi namumula na sya at naluluha. Kaya mga mommies...kapag nakakatayo na ang mga baby nyo sa crib i adjust nyo na kagad ang matress. Di ko siguro mapatawad sarili ko kung me nangyaring masama kay Letcher. It's not being careless, pero things could really happen that we dont expect.

    SANY2155.jpg

    This is how he stand on his crib.

  10. UnitedHealthCare naman insurance namin...affordable naman kc $50 lang biweekly kc pag wala insurance hirap siguro.

    Anne-nung iapply ko ng Phil passport baby ko sabi nila 6 weeks processing, pero 1 month lang dumating na, ganun din US Passport niya 1 month lang din reciv ko na.

    Ah 1 month pala, sabi kasi ng husband ko 90 days daw ang pagkaka alam nya buti nalang 1 month lang. Kailangan ba talagang kunan din ng Phil. passport o depende lang sa parents? Gano kayo katagal dyan sa pinas? Thanks ha and enjoy...God Bless!

  11. Hi mommies, tagal ko ring di nakadalaw dito. Minsan reading mode lang. Congrats ulit sa mga bagong panganak.

    Letcher just turned 5 months last August 16, he weigh 15.4 lbs and 25.5" long. I stop breastfeeding just a month ago, wala na kasi talaga akong mapiga :lol:. Luckily di ako nahirapang magpatuyo ng breast ko, siguro dahil I kept on breastfeeding kahit na mahina na ang pag produce ko and it just drain by itself without giving me some pain. He is scooting a lot now and trying hard to crawl, he might start to crawl soon kasi napapansin namin na naitataas na nya ang butt nya. We started to feed him baby foods too and we gave him vegetables (green beans, carrots and potato) for the start para di daw mahirapan sa pagpakain ng vegetables paglaki sabi ng daddy, followed by fruits. Di naman kami nahirapan sa pagpakain. We also inquire from his pedia if we can already give him water. But they suggest to give him apple juice mix with water (1 oz water, 1 oz juice) at least 4 oz a day and he really likes it. Finally he poops everyday now.

    Pink - buti naman at di nagkabukol si zac nung nahulog sa bed. Mula nung nag umpisang mag scoot si letcher di ko na sya nilalagay sa bed namin to sleep, minsan kapag nakatulog sya sa bed namin talagang nililipat ko sya sa crib nya. Takot kasi akong mahulog, naiikot na nga nya ang crib sa pag change lang ng position while he sleep. Sa umaga yan makita ko yung ulo nya nasa corner na.

    Akala ko naman eh by that age diretso na ang tulog ng mga babies through the night. Minsan si Letcher kapag natulog ng 11pm, 6 or 7 am na ang gising nya. Yun ay kung konti lang ang oras ng nap nya sa araw. Pero madalas parin ang gising nya every 4-5 hours sa gabi.

    Davanj - I had my period exactly 6 weeks after I gave birth, so I was bleeding during my postpartum checkup. Nabigla nga ako kasi sabi nila when you are breastfeeding you will have your period later but not on me.

    Godbless sa lahat and pakurot sa mga cute babies!

  12. Halows to all! hehe tagal ko na di nakadalaw. Namiss ko na kayo hehe. Grabe! dami ng nanganak ha. Ang cucute ng mga babies nyo :luv:

    @brettane, balitaan mo ako sa link na binigay mo ha about dun sa mga baby clothes. napamigay ko na yung mga damit ni Zac sa niece kong buntis pero meron pa ding mga tira. Yung iba papadla ko sa Pinas tas yung iba bebenta ko para may pangpadala sa Pinas :lol: Pakiss kay baby Letcher.

    Zac is more than 7 months old na. Madaldal na malikot. Lahat inaabot, ako naman taga-pulot at tiga taas ng gamit. One time I was doing something tas malapit cya sa akin pero nasa walker cya tas napansin ko na lang na hawak ni Zac yung pinakaplug-in ng laptop at ina-unplug nya. Ang bilis ng reflex ko at natampi ko yung kamay nya sabay sigaw ng NO! Natakot at naiyak tas ako naman naiyak din kasi napalo ko cya ng di sinasadya :( Kasi naman natakot ako bigla na baka makuryente. After nun, lumayo cya sa outlet ng kuryente ng umiiyak tas kapag lumilingon sa outlet eh iiyak ulit. Natrauma na ata which I think is good pra iwas disgrasya. Sana di na nya ulitin at ayun bibili kami nung safety outlet cover.[/b][/color]

    About dun sa thredup.com kaka create ko palang ng box and luckily wala pang pumipik ap. Once you sign up papadalhan ka nila ng 10 pcs. medium size flat rate box tapos kapag na receive mo na yun pwede ka ng mag create ng box mo. At wait ka nalang kung me magka interest. Free pick up din yun ng USPS kasi bayad na yun ng nag pick up na member. Shipping and handling lang naman ang babayaran mo, ganun din kapag nag pick ka ng box na gusto mo sa thredup. Makakapamili ka kasi they require to indicate the brand, size, quantity and style of clothes. Di pa ko nakakapag pick actually, wala pa kung makitang gusto ko pero ready na box ko.

    Ay grabe ganyan din si letcher pero di pa talaga syang nakakapag crawl, he is scooting palang (parang uud) pero nakakarating na kung saan saan dahil sa pag roroll over nya. One time nakita ko na rin eh kinakagat na yung cord ng laptop haaay nagulat din ako kahit na wala pa syang ngipin eh kakatakot din. Tama ka mag start kna maglagay ng safety outlet cover at kpag nkakatayo n sya kakailanganin mo rin yung cover sa mga corner like table. Uuuy zac ha me hair kna...congrats pakurot sa pisngi hehe. Lagi mong i brush buhok nya para di sabog2 ang pagtubo.

  13. Thanks for sharing Brett nag registered din ako, search ko pa kung papano talaga ang processing nila...

    You're welcome. They will send you the USPS boxes once you sign up and they will pick up if you already have box to send. Pinag aaralan ko parin at wait ng box ko. Maganda to kasi mabilis lumaki ang mga baby. Para mapakinabangan naman ng iba ang mga damit pwera nlang kung gusto mo n kagad sundan baby mo hehe.

    Khloe born July 15 3:12 am...%3ca%20href=Picture207.jpg">%3ca%20href=Picture241.jpg">

    Congrats for the health delivery. Kapal n kagad ng hair nya inggit n naman ako hehe. Cutie cutie

  14. Shen Osiel _ _ _ _. Born July 16, 2010 at 7:20 a.m.

    Congratulations to both of you, the waiting is over! She's so precious.

    @Willgrace, welcome to this thread and goodluck!

    @rose19, malapit ka na palang mangitlog. Goodluck!

  15. Happy 1st Birthday Ethan! Congrats to Maizy at nakaka roll over na sya. Ganun ba talaga magiging feeling ng mommy kapag lumaki na sila? I mean are we gonna miss them being a baby? Kasi when we were at the doctor's clinic the other day, one mom told me when she saw me holding Letcher that she miss her daughter being a baby hehe. Siguro nga, ngayon kasi feeling ko gusto ko na syang lumaki kagad.

    Just an update to my son, he just turned 4 months last July 16 and got another set of shots. He started to roll over on both ways 10 days before he turn 4 months. He is starting to do new things now like screaming/laughing too load. Sometimes he'll wakes up in the middle of the night and will just grin and want to talk kaya late na kami nagigising sa umaga. I have to adjust his crib now coz he started to climb his one foot on the front rail. I also started to mix his milk with rice cereal at least once a night before his bedtime. I might stop breastfeeding soon coz I don't produce as much as I do anymore, so I feed him more formula now than breastmilk. Di ko alam ba't nag low yung milk ko, I've tried some remedy pero di umubra, I even bought a nursing herbal tea pero wa effect. Siguro talagang nag uumpisa ng mag drain ang breastmilk ko. Sigh, gusto ko pa naman syang i breastfeed hangang sana mag 6-8 months sya.

    Goodluck to the upcoming moms and happy nappy changing to the new moms.

  16. @Doc Gracey, princess na princess pala ang dating ni Maizy. Just enjoy dressing her up until she can already pick what she wants hehe. Parang gusto ko na tuloy ng baby girl hehe.

    @Davanj, our doctor adviced us to use lotion on his 1st month. Nagbabalat talaga skin ng mga baby esp on their hands and feet but nothing to worry about. What you can do for the meantime is mildly scrub her skin with face rug while giving her a bath.

  17. Even in the RP, vit K shot for a newborn is SOP :thumbs:

    As for breastfeeding...why does your father-in-law have any say in your decision to breastfeed or not anyway :blink:

    Besides, your baby's health is so much more important than nice-looking boobies, di ba? plus, when your breasts get engorged with milk, they get larger (and perhaps will be more appealing to hubby :D ). Your milk will start to come in by the 5th day post-delivery, although you will already be secreting that oh-so-important colostrum even before giving birth. If you want to exclusively breastfeed, you may want to let the nursery know your wishes to have the child feed solely from you. Breastmilk is a lot blander than formula...baka kasi mas piliin ng baby yung formula. don't worry that baby isn't getting enough...he will let you know when he's had enough or not. Mind you, newborn babies feed more often than weeks-old infants simply because their stomachs are a lot smaller (think ping-pong ball as max stomach size) Note: a baby's seemingly "big" belly is due to the liver being the largest abdominal organ. Anyway, your newborn will feed about every 1-2 hours, every hour if breastfed as breastmilk is more easily digested than formula. You may consult a lactation consultant while in the hospital for help/instruction on proper latch-on. If you do decide to breastfeed, go ahead and feed baby whenever he wants to feed; the more he feeds from you, the more milk you will produce. And don't forget to load up on fluids (water, if possible) and continue your prenatal vits and iron tabs. If baby is asleep and your breasts are full, pump it out and store it to feed to baby when he wakes up...again to stimulate more milk production. As much as possible, try to feed exclusively with your milk. With Maizy, she was always hungry and I was post-CS so that that darned pain meds kinda messed up my lactation, and the pain of having to move about was REALLY uncomfortable for me so that I couldn't really relax and max my milk production. But I still fed her from the breast when I could; she was probably taking at least 4oz from me. I still supplemented with formula though, despite what my lactation consultant told me. I think she had 1-2 bottles of formula a day and the rest was from me. I did not worry about if she was getting enough or not; her weight and height (both in the 90th %ile) told me that she was. :)

    I agree, very well said Doc Gracey. I guess it depends on how will you take care of your breast after you breastfeed so it wont sugged. I have a friend who breastfeed for 6 months and her breast still looks good.

    Dalaga na si Maizy hehe, sarap talaga bihisan ng mga baby girl.

    Congrats Davanj, will wait for the picture of your little girl.

  18. Brettane, Enfamil ang milk ni Zac. Di na kasi ako pinapadalhan ng Enfamil ng coupon kaya nagsign-up ako sa Similac for coupons :D Pagnaubos na yung Enfamil na bigay ng WIC eh itry-try namin yung Similac kung gusto ni Zac. Kapag nagustuhan nya eh baka i-switch ko cya sa Similac since nakakadiscount kami sa kanila bec of coupons. Isa pa kasi feeling ko di na kami bibigyan ng WIC ng gatas. Binigyan kami ng check pero feeling ko last na check na yun. DUn sa check eh na yun eh 24 cans of concentrated Enfamil lang in a month eh kulang kay Zac yun kaya we need to buy 6 or 7 pa kasi he drinks 1 can a day.

    Pwede bang akin na lang yung Enfamil coupons mo? or if you want I'll buy it na lang and send shipping fee via Paypal :D La na kasi akong makuhanan ng coupon. Mahal kaya ng gatas hehe

    Ah akala ko similac gatas ni zac. Sige i msg mo sa kin address mo, 5 coupons ito (4 x $5, 1 x $2). Wag mo ng bilhin ano kba, libre lng nman to eh. At dont worry madami akong stamps dito. I send ko kagad para umabot bago ang exp date.

  19. Oo nga RR ask ko din sana yan naunahan lang ako ni Pink. Ang klima ba dyan eh parang sa Pinas din? Pansin ko kasi kahit nasa loob ng bahay si Tyree eh naka diaper lang. Mainit pa din ba kahit na me A/C? Curious lang po, sensya na hehe. Alam mo ba sabi ko dati hindi namana ni letcher yung pawising paa ko, ngayon eh nagpapawis narin paa at kamay nya kaya mini medyasan ko narin.

    @ Pink, nagbabasa ka rin pala ng babycenter, dyan din ako nakakakuha ng info kapag me question ako about babies. Ask ko pala yung tungkol sa coupon, hangang ngayon ba eh nakaka receive kpa ng coupons? Me natitira kasi akong coupon ng Enfamil dito until June 30 nalang, wala pa kong nare receive na bago. Hanggang kelan ba sila nagbibigay ng coupon? I know you use similac pero curious lang ako. Baka kasi di na magtagal ang pag breastfeed ko kasi napansin ko these past few days eh konti nalang breastmilk ko kaya madalas na kung nagfo formula. Nag increase na rin kasi ang na ko consume na gatas ni Letcher. Dati hangang 3 oz lang ngayon eh 4 oz na. At di na ko nakaka pump ng 4 oz na breastmilk ngayon di tulad dati. Kaya baka di na umabot sa target ko na 6 months akong mag breastfeed.

  20. Hi mga mommies, sorry ngayon lang nakabalik but lagi naman ako updated dito sa forum na to.

    Mga mommy ask ko lang my son is turning 2 mos old na next month and have a doc appointment, I guess for vaccine, sa mga na research ko several type of vaccine pala ang ibibigay for 2 mos old baby, ask ko lang sabay sabay ba yun? and ok lang ba, although di pa naman proven na cause ng autism eh medyo takot din ako. Kayo ba pina vaccine nyo ba agad baby nyo?

    Ms Pink- thanks dun sa share mo na website para dun sa shirt, kahit late na ko for fathers day order pa din ako. and baka meron kang alam na site where i can get similac coupon :lol: mahal kasi ng formula e. thanks

    Congrats sa mga bagong mommy!!!

    My son got his 4 vaccines when he turned 2 months. Actually di naman exactly 2 months nya nakuha kasi pina move namin appointment nya due to the unavailability of my husband. 3 shots yun and 1 oral. Then another vaccines next month (4 months old). My husband and I believe on vaccinations kaya pina vaccine namin kagad baby namin. It's really up to the parents.

×
×
  • Create New...