Good day po sa lahat. First time ko mag post dito. Ang itatanong ko is for my step son.
He is a US- born citizen, 22 yrs. old. Ang nangyari po is nung sya ay 5 yrs. old dinala sya dito sa pinas ng mom nya and till this year 2023 hindi pa nakakabalik sa US. May binayaran po kami na mag asikaso siguro po mga 5 yrs ago para po makauwi na sya sa US. Andun na po mother at 2 siblings nya. Ang naitindihan ko sa mga napagtanungan namin is babayaran lahat kung ilang yrs na syang andito sa pinas. Nasa mga ilang libo na dolyar na po ang aabutin for sure at hindi po namin afford. Baka meron po kayo masuggest kung ano kaya pwede gawin, gusto gusto na po namin makapiling na sya doon. Gusto ko po gawin ito para sa mga kapatid ng step son ko.