Help - Search - Members - Calendar
Full Version: Ginintuang butil
VisaJourney.com > General Discussion Area > Regional Discussion > Philippines

jiskat08
Hinding-hindi ko makakalimutan ang mga
mumunti ngunit ginintuang butil
ng payo na nakuha ko sa aking mga
magulang. Kaya heto, aking ise-share
sa inyo:


1. Si Inay, tinuruan niya ako HOW TO
APPRECIATE A JOB WELL DONE. "Kung
kayong dalawa ay magpapatayan, doon kayo
sa labas! Mga leche kayo,
kalilinis ko lang ng bahay."


2. Natuto ako ng RELIGION kay Itay.
"Kapag yang mantsa di natanggal sa
carpet, magdasal ka na!"


3.Kay Inay ako natuto ng LOGIC.
"Kaya ganyan, dahil sinabi ko."

4. At kay Inay pa rin ako natuto MORE LOGIC.
"Kapag ikaw ay nalaglag diyan sa bubong,
ako lang
magisa ang manonood ng sine."


5. Si Inay din ang nagturo sa akin kung
ano ang ibig sahibin ng IRONY.
"Sige ngumalngal ka pa at bibigyan
talaga kita ng iiyakan mo!"


6. Si Inay ang nagpaliwanag sa akin kung
ano ang CONTORTIONISM.
"Tingnan mo nga yang dumi sa likod ng
leeg mo, tignan mo!!!"

7. Si Itay ang nagpaliwanag sa akin kung
anong ibig sabihin ng STAMINA.
"Wag kang tatayo diyan hangga't di mo
natatapos yang lahat ng pagkain
mo!"


8. At si Inay ang nagturo sa amin kung
ano ang WEATHER.
"Lintek talaga kayo, ano ba itong
kuwarto nyong
magkapatid, parang dinaanan ng bagyo!"


9. Ganito ang paliwanag sa akin ni Inay
tungkol sa CIRCLE OF LIFE:
"Malandi kang bata ka, iniluwal kita sa
mundong ito, maaari rin kitang
alisin sa mundong ito."


10. Kay Itay ako natuto kung ano ang
BEHAVIOR MODIFICATION. "Tumigil ka
nga diyan! Huwag kang mag-inarte na
parang Nanay mo!"


11. Si Inay naman ang nagturo kung anong
ibig sabihin ng GENETICS.
"Nagmana ka ngang talaga sa ama mong
walanghiya!"


12. Si Inay naman ang nagpaliwanag sa
amin kung anong ibig sabihin ng
ENVY. "Maraming mga batang ulila sa
magulang, di ba kayo nagpapasalamat
at mayroon kayong magulang na tulad namin?"


13. Si Itay naman ang nagturo sa akin ng
ANTICIPATION.
"Sige kang bata ka, hintayin mong
makarating tayo sa bahay!"


14. At si Itay pa rin ang nagturo kay
Kuya kung anong ibig sabihin ng
RECEIVING.
"Uupakan kita pagdating natin sa bahay!"


15. Si Inay naman ang nagturo sa akin
kung ano ang HUMOR. "Kapag naputol
yang mga paa mo ng pinaglalaruan mong
lawnmower, wag na wag kang tatakbo
sa akin at lulumpuhin kita!"


16. At ang pinakamahalaga sa lahat,
natutunan ko kina Inay at Itay kung
ano ang JUSTICE.
"Isang araw magkakaroon ka rin ng anak,
tiyak magiging
katulad mo at magiging pasakit din sa ulo!"




tapos na po ....
I luv my chappara
hahaha nakakatuwa naman ito smile.gif
charles!
i didn't get it. huh.gif
eau_xplain
laughing.gif

Sorry Charles, you'll have to learn Tagalog to appreciate it. smile.gif
Gradie and Jane
QUOTE(eau_xplain @ Mar 24 2008, 11:14 AM) *
laughing.gif

Sorry Charles, you'll have to learn Tagalog to appreciate it. smile.gif




Ang GALING mo tol! good.gif
David-Mae Forever
jest.gif rofl.gif rofl.gif
SHAPE OF MY HEART
Lol!!!!!!!!!!!!!!!!!! rofl.gif rofl.gif rofl.gif akala co seryoso! hehehehe
This is a "lo-fi" version of our main content. To view the full version with more information, formatting and images, please click here.
Invision Power Board © 2001-2008 Invision Power Services, Inc.