Help - Search - Members - Calendar
Full Version: ISANG MUNTING HAMON
VisaJourney.com > General Discussion Area > Regional Discussion > Philippines

Pages: 1, 2, 3
SHAPE OF MY HEART
KUMUSTA SA MGA KAPWA PINOY KO NA MIYEMBRO SA BISA PAGLALAKBAY (VJ) good.gif

Wala pong kaduda-duda na wala po ako masyado magawa sa oras na ito. At para lang po sa konting libangan pero alam kong may halaga naman ay nais ko pong subukin ang kakayahan natin sa pagsasalita ng sarili nating wika, na walang halong pagsasalitang banyaga. Na purong Tagalog lang po.

Nais ko po sanang hingin ang inyong partisipasyon sa paksa na aking binuksan. Ang usaping kahit ano po, basta walang halong Ingles. Ang hirap po magsalita at minsan isipin kung ano sa tagalog ang gusto nating sabihin.

Sana po hindi ito maging korney sa inyo. O kung sa tingin nyo po eh nakakatawa ito, pacensya na po. Pero sa ngayon po, hindi ko sukat akalain mas matagal ako mag-isip ng purong tagalog kesa magsalita ng purong Ingles.

Sinikap kong purong tagalog ang mga binitawan kong salita dito at nahirapan ako. Pakiramdam ko , para akong makata. blush.gif hehe.. blink.gif

Sana po makibahagi kayo dito. Salamat po. yes.gif
RonMay
QUOTE(SHAPE OF MY HEART @ Mar 22 2008, 08:31 AM) *

lol... hindi ko alam paano man sulat ng tagalog kasi bisaya ako yes.gif ang mga bisaya mas gusto namin mag englis o sa aking opinyon lamang mas gusto ko mag englis kasi yun ang tinuturo sa aming pamilya simula bata pa ako. kaya nahihirapan akong mag sulat ng tagalog (pero hindi ako bobo ng filipino kasi malalaki ang grades ko noon hehehe). KA LISOD BA ANI OI! mayroon akong hinahapan na "speech" yung titolo (title?) ay "the uneducated man" sulat po yan ng dating presedente at gusto kung ipa-read sa aking asawa. sana matulungan ninyo akong mag hapan kasi wala sa google...salamat!
george and aaiz
sa pagbabasa ng paksang ito, namulat ako sa dalawang realisasyon: una, mahirap na palang sumulat ng purong tagalog... pangalawa, mahirap na ring magbasa headbonk.gif wacko.gif dead.gif
NoelandTintin
nahilo ako. huh.gif
manila_2005
QUOTE(RonMay @ Mar 22 2008, 11:13 PM) *
QUOTE(SHAPE OF MY HEART @ Mar 22 2008, 08:31 AM) *
KUMUSTA SA MGA KAPWA PINOY KO NA MIYEMBRO SA BISA PAGLALAKBAY (VJ) good.gif

Wala pong kaduda-duda na wala po ako masyado magawa sa oras na ito. At para lang po sa konting libangan pero alam kong may halaga naman ay nais ko pong subukin ang kakayahan natin sa pagsasalita ng sarili nating wika, na walang halong pagsasalitang banyaga. Na purong Tagalog lang po.

Nais ko po sanang hingin ang inyong partisipasyon sa paksa na aking binuksan. Ang usaping kahit ano po, basta walang halong Ingles. Ang hirap po magsalita at minsan isipin kung ano sa tagalog ang gusto nating sabihin.

Sana po hindi ito maging korney sa inyo. O kung sa tingin nyo po eh nakakatawa ito, pacensya na po. Pero sa ngayon po, hindi ko sukat akalain mas matagal ako mag-isip ng purong tagalog kesa magsalita ng purong Ingles.

Sinikap kong purong tagalog ang mga binitawan kong salita dito at nahirapan ako. Pakiramdam ko , para akong makata. blush.gif hehe.. blink.gif

Sana po makibahagi kayo dito. Salamat po. yes.gif

lol... hindi ko alam paano man sulat ng tagalog kasi bisaya ako yes.gif ang mga bisaya mas gusto namin mag englis o sa aking opinyon lamang mas gusto ko mag englis kasi yun ang tinuturo sa aming pamilya simula bata pa ako. kaya nahihirapan akong mag sulat ng tagalog (pero hindi ako bobo ng filipino kasi malalaki ang grades ko noon hehehe). KA LISOD BA ANI OI! mayroon akong hinahapan na "speech" yung titolo (title?) ay "the uneducated man" sulat po yan ng dating presedente at gusto kung ipa-read sa aking asawa. sana matulungan ninyo akong mag hapan kasi wala sa google...salamat!

Tama ka sa sinabi mong yan kaibigang Ronmay. Ang tanda ko pag pumupuntang Manila ang mga pinsan ko galing Aklan, kung mag-usap kami ay Banyaga, kasi hindi ako marunong mag Visaya, at di naman sila marunong mag Tagalog. Malalaki ang grado mo? Baka matataas. Ang hirap pala mag tipa ng salitang Tagalog. Kakaloka. Ano naman kaya nakainan nya at sinimulan ito, ha-ha-ha. Di kaya magtampo ang ating mga kabiyak? Ay ayoko na, ang hirap. Ano ba sa Tagalog ang offend?

Maynila dalawang libo at lima (Manila_2005) Laban ka?
jego ryu
laughing.gif tumpak ang iyong tinuran mahirap talaga magsalita ng purong wikang tagalog.ngunit subalit datapwat,,,,ito ay ating wika.......sister di ko na kaya pang ipagpatuloy ito,,,,nahihilo rin ako huh2.gif sa susunod nalang na pagsusulat.....
RonMay
QUOTE(manila_2005 @ Mar 22 2008, 10:01 AM) *

NGEKS! ano bayan hindi pala "malalaki" ang grado kung hindi "matataas" hahahah...
pero tama ka, hindi ako sigurado na itong linggwahe ay ok sa ating mga kabiyak kasi baka ma masaktan yung feeling nila na hindi natin tina-translate and mga sinasabi natin... gosh help me! lol

(but you're right, im not sure if this native language of ours will be ok for our foreigner spouses/fiance/e's knowing they might get offended without us translating it...)
skyblue06

Maynila dalawang libo at lima,

haha ano na naman itong pinasukan mong gulo LOL, hirap ngang magsalita ng puro Tagalog, kelangan pang mag-isip hehe
David-Mae Forever
Sa totoo lang, kahit na wala akong pagpipilian kung hindi ang magsalita ng ingles lalo pa at kami lang ng kabiyak ko ang magkasama sa araw-araw, hindi ako nahihirapang magsalita gamit ang ating sariling wika. Kapag ang kausap ko sa telepono ay mga kaibigan ko, hangga't maaari ay tagalog ang usapan namin. Kapag tinatawagan ko ang pamilya ko diyan sa Pilipinas, tagalog din ang usapan dahil ako ay may pagka-makabayan. Mahal ko ang bayan ko at hindi ko kalilimutan ang aking pinagmulan. Kung minsan, nagugulumihanan ang aking kabiyak kapag nagsasalita ako sa telepono gamit ang ating sariling wika. Kaya pagkatapos ng usapan, aking sinisiguro na lahat ng nabanggit sa lengwaheng hindi niya naunawaan ay maibabahagi ko sa kanya sa lengwaheng ingles. Kapag ako ay lumiliham sa aking pamilya, ito ay nasa wikang Pilipino. Upang maunawaan ng aking kabiyak kung ano ang nilalaman ng aking liham, ito ay aking isinasalin sa wikang ingles. Hindi ko alam kung hanggang kaylan ko mapaninindigan ang pagiging makabayan ko, datapwat, aking pipilitin sa abot ng aking makakaya na maging matapat sa aking wikang kinagisnan. good.gif

Paumanhin po sa mga kapamilya natin dito na hindi nakakaunawa sa ating mga tinuturan. Ang inyo pong mga mahal sa buhay (kabiyak man o kasuyo) na ang siyang bahalang magsalin nito sa wikang ingles para sa inyong kamalayan.

Pahabol na Sulat (P.S.)

Bigla tuloy akong napaawit ng:

Ang bayan kong Pilipinas
Lupain ng ginto't bulaklak
Pag-ibig ang sa kanyang palad
Nag-alay ng ganda't dilag.
At sa kanyang yumi at ganda
Dayuhan ay nahalina
Bayan ko, binihag ka
Nasadlak sa dusa.

Ibon mang may layang lumipad
Kulungin mo at umiiyak
Bayan pa kayang sakdal dilag
Ang di magnasang makaalpas!
Pilipinas kong minumutya
Pugad ng luha ko't dalita
Aking adhika,
Makita kang sakdal laya.

MARAMING SALAMAT PO!

--Mae
SHAPE OF MY HEART
Kumusta? Ako ay napahanga mo sa purong pagsasalita mo ng tagalog na humigit sa sampung pangungusap. hehe.

At sa nagtanong po ng kung ano sa tagalog ang offend, depende po kung paano ginamit ang salita, pero ang naiisip kong pinakamalapit na tagalog ay "nakasakit", hehe.

Bakit naman po magtatampo ang ating mga kabiyak dito? ang aking asawa ay hindi nagtatampo saken kapag ako ay nagsasalita ng wika natin, bagkus aking isinasalin sa wikang ingles para maintindihan nya rin kapag nakikipagusap ako ng tagalog sa kababayan ko.

Tama po kayo sa realidad na mahirap magsalita ng purong tagalog na walang halong banyaga, hehe.

Paumanhin po sa iba na Bisaya pala ang pangunahing diyalekto.
Ako'y nagulumihanan. hehe.

QUOTE(David-Mae Forever @ Mar 23 2008, 01:41 AM) *
Sa totoo lang, kahit na wala akong pagpipilian kung hindi ang magsalita ng ingles lalo pa at kami lang ng kabiyak ko ang magkasama sa araw-araw, hindi ako nahihirapang magsalita gamit ang ating sariling wika. Kapag ang kausap ko sa telepono ay mga kaibigan ko, hangga't maaari ay tagalog ang usapan namin. Kapag tinatawagan ko ang pamilya ko diyan sa Pilipinas, tagalog din ang usapan dahil ako ay may pagka-makabayan. Mahal ko ang bayan ko at hindi ko kalilimutan ang aking pinagmulan. Kung minsan, nagugulumihanan ang aking kabiyak kapag nagsasalita ako sa telepono gamit ang ating sariling wika. Kaya pagkatapos ng usapan, aking sinisiguro na lahat ng nabanggit sa lengwaheng hindi niya naunawaan ay maibabahagi ko sa kanya sa lengwaheng ingles. Kapag ako ay lumiliham sa aking pamilya, ito ay nasa wikang Pilipino. Upang maunawaan ng aking kabiyak kung ano ang nilalaman ng aking liham, ito ay aking isinasalin sa wikang ingles. Hindi ko alam kung hanggang kaylan ko mapaninindigan ang pagiging makabayan ko, datapwat, aking pipilitin sa abot ng aking makakaya na maging matapat sa aking wikang kinagisnan. good.gif

Paumanhin po sa mga kapamilya natin dito na hindi nakakaunawa sa ating mga tinuturan. Ang inyo pong mga mahal sa buhay (kabiyak man o kasuyo) na ang siyang bahalang magsalin nito sa wikang ingles para sa inyong kamalayan.

Pahabol na Sulat (P.S.)

Bigla tuloy akong napaawit ng:

Ang bayan kong Pilipinas
Lupain ng ginto't bulaklak
Pag-ibig ang sa kanyang palad
Nag-alay ng ganda't dilag.
At sa kanyang yumi at ganda
Dayuhan ay nahalina
Bayan ko, binihag ka
Nasadlak sa dusa.

Ibon mang may layang lumipad
Kulungin mo at umiiyak
Bayan pa kayang sakdal dilag
Ang di magnasang makaalpas!
Pilipinas kong minumutya
Pugad ng luha ko't dalita
Aking adhika,
Makita kang sakdal laya.

MARAMING SALAMAT PO!

--Mae

SHAPE OF MY HEART
Aw!!! luv.gif Ako'y namangha sa pag-awit mo ng Ang bayan kong Pilipinas. Saludo ako sa iyo Mae.. good.gif good.gif good.gif
Ako man ay mahal ko ang bansa kong pinagmulan. kahit ano pa ang mangyari sa gulo ng Pilipinas. Mabuhay Pilipinas. yes.gif yes.gif yes.gif

QUOTE(David-Mae Forever @ Mar 23 2008, 01:41 AM) *
Sa totoo lang, kahit na wala akong pagpipilian kung hindi ang magsalita ng ingles lalo pa at kami lang ng kabiyak ko ang magkasama sa araw-araw, hindi ako nahihirapang magsalita gamit ang ating sariling wika. Kapag ang kausap ko sa telepono ay mga kaibigan ko, hangga't maaari ay tagalog ang usapan namin. Kapag tinatawagan ko ang pamilya ko diyan sa Pilipinas, tagalog din ang usapan dahil ako ay may pagka-makabayan. Mahal ko ang bayan ko at hindi ko kalilimutan ang aking pinagmulan. Kung minsan, nagugulumihanan ang aking kabiyak kapag nagsasalita ako sa telepono gamit ang ating sariling wika. Kaya pagkatapos ng usapan, aking sinisiguro na lahat ng nabanggit sa lengwaheng hindi niya naunawaan ay maibabahagi ko sa kanya sa lengwaheng ingles. Kapag ako ay lumiliham sa aking pamilya, ito ay nasa wikang Pilipino. Upang maunawaan ng aking kabiyak kung ano ang nilalaman ng aking liham, ito ay aking isinasalin sa wikang ingles. Hindi ko alam kung hanggang kaylan ko mapaninindigan ang pagiging makabayan ko, datapwat, aking pipilitin sa abot ng aking makakaya na maging matapat sa aking wikang kinagisnan. good.gif

Paumanhin po sa mga kapamilya natin dito na hindi nakakaunawa sa ating mga tinuturan. Ang inyo pong mga mahal sa buhay (kabiyak man o kasuyo) na ang siyang bahalang magsalin nito sa wikang ingles para sa inyong kamalayan.

Pahabol na Sulat (P.S.)

Bigla tuloy akong napaawit ng:

Ang bayan kong Pilipinas
Lupain ng ginto't bulaklak
Pag-ibig ang sa kanyang palad
Nag-alay ng ganda't dilag.
At sa kanyang yumi at ganda
Dayuhan ay nahalina
Bayan ko, binihag ka
Nasadlak sa dusa.

Ibon mang may layang lumipad
Kulungin mo at umiiyak
Bayan pa kayang sakdal dilag
Ang di magnasang makaalpas!
Pilipinas kong minumutya
Pugad ng luha ko't dalita
Aking adhika,
Makita kang sakdal laya.

MARAMING SALAMAT PO!

--Mae

SHAPE OF MY HEART
hehe, salamat sa pagpapaunlak mo, ako man ay nahilo rin sa pag-iisip ng mga sinabi ko.. cool.gif hanggang sa muli, at ako'y maghihintay sa iyong pagsagot. hehe.. blink.gif
QUOTE(jego ryu @ Mar 23 2008, 12:09 AM) *
laughing.gif tumpak ang iyong tinuran mahirap talaga magsalita ng purong wikang tagalog.ngunit subalit datapwat,,,,ito ay ating wika.......sister di ko na kaya pang ipagpatuloy ito,,,,nahihilo rin ako huh2.gif sa susunod nalang na pagsusulat.....

SJ
mabuti naman po! nah ihirap po akong mag tagalog dahil laking cebu po ako at hindi rin ako marunong mag chabacanu.(Lumaki ako sa ibang pamilya). May mga kaibigan po ako dito na hindi marunong mag-bisaya , ilonggo, (konti lang ang alam ko) ilokano, (di ko alam dai. lol) at iba pa. tagalog ang ginagamit namin para magkakaintindihan kaming lahat.

wala po akong problema kung ang sariling wika natin ang gagamitin. Sana walang magalit sa atin. rofl.gif

SHAPE OF MY HEART
OO nga pala, high school pa lang aco pinag-iisipan ko na ito,at hanggang ngayon hindi ko pa rin alam ang kasagutan sad.gif

Ano pala sa tagalog ang "toothpaste"? wacko.gif

Salamat po sa kung sinong makakasagot ng katanungan ko.. luv.gif
SHAPE OF MY HEART
Ako'y bilib sa mga taong may pagmamalasakit sa sariling wika, ako'y nagagalak. hehe. yes.gif

Aba , wala naman siguro magagalit sa atin unsure.gif

QUOTE(SJ @ Mar 23 2008, 03:18 AM) *

toothpaste?

ngiping pandikit? hahaha... di ko rin alam yun. sa alam ko marami tayong hiram na salita na hindi natin tina-translate o iniiba lng ang spelling... pasensya na talaga kung hindi ako puro mag salita ng filipino. hindi na diko alam ang mga linggwahe kaya lng hindi kasi ito ang ginagamit ko sa pang araw-araw sa pilipinas... bisaya at englis kasi ang pinag malakihan ko. bulol ako sa tagalog pero ang galing kong mag bisaya pag kausap ko yong pamilya at kaibigan ko.
SJ
hindi ko muna pagbigyan pansin ito dahil wala pa naman'g nagalit sa atin.

wala akong dapat ikahiya dahil filipino po ako at kahit anong gagawin ko filipino pa rin whistling.gif lalo na kapag nagsasalita ako ng ingles napapansin talaga....
rofl.gif

QUOTE(SHAPE OF MY HEART @ Mar 22 2008, 12:22 PM) *

Hehe, salamat sa iyong pagsagot,
Mabuti ka pa alam ang ibang dayalekto, ang ina ko ay nagmula sa Surigao City pero napangasawa ang ama ko ay taga riton sa Luzon , kaya ako'y kalahati bisaya at kalahati Tagalog ang pinagmulan, kaso hindi kami magkakapatid marunong ng diyalekto ng ina ko, Tagalog lang at Ingles sapagkat kami'y isinilang at lumaki sa Katagalugan.
Huwag kang mag-alala, ako'y naiitindihan pa rin ang tagalog mo. yes.gif

QUOTE(RonMay @ Mar 23 2008, 03:37 AM) *
toothpaste?

ngiping pandikit? hahaha... di ko rin alam yun. sa alam ko marami tayong hiram na salita na hindi natin tina-translate o iniiba lng ang spelling... pasensya na talaga kung hindi ako puro mag salita ng filipino. hindi na diko alam ang mga linggwahe kaya lng hindi kasi ito ang ginagamit ko sa pang araw-araw sa pilipinas... bisaya at englis kasi ang pinag malakihan ko. bulol ako sa tagalog pero ang galing kong mag bisaya pag kausap ko yong pamilya at kaibigan ko.

SHAPE OF MY HEART
Ako'y napatawa mo sa iyong tinuran. laughing.gif
Nais kong tagalugin ang "rolling out floor laughing" napahiga sa sahig kakatawa. rofl.gif cool.gif tama ba?

QUOTE(SJ @ Mar 23 2008, 03:41 AM) *
hindi ko muna pagbigyan pansin ito dahil wala pa naman'g nagalit sa atin.

wala akong dapat ikahiya dahil filipino po ako at kahit anong gagawin ko filipino pa rin whistling.gif lalo na kapag nagsasalita ako ng ingles napapansin talaga....
rofl.gif
SJ
QUOTE(SHAPE OF MY HEART @ Mar 22 2008, 12:19 PM) *
OO nga pala, high school pa lang aco pinag-iisipan ko na ito,at hanggang ngayon hindi ko pa rin alam ang kasagutan sad.gif

Ano pala sa tagalog ang "toothpaste"? wacko.gif

Salamat po sa kung sinong makakasagot ng katanungan ko.. luv.gif

tooth-ngipin

Paste- cut and paste blink.gif unsure.gif

Kahit sa bisaya di ko alam. rofl.gif

SJ
QUOTE(SHAPE OF MY HEART @ Mar 22 2008, 12:49 PM) *
Ako'y napatawa mo sa iyong tinuran. laughing.gif
Nais kong tagalugin ang "rolling out floor laughing" napahiga sa sahig kakatawa. rofl.gif cool.gif tama ba?

QUOTE(SJ @ Mar 23 2008, 03:41 AM) *
hindi ko muna pagbigyan pansin ito dahil wala pa naman'g nagalit sa atin.

wala akong dapat ikahiya dahil filipino po ako at kahit anong gagawin ko filipino pa rin whistling.gif lalo na kapag nagsasalita ako ng ingles napapansin talaga....
rofl.gif

Tama.

hay ewan ko.. blink.gif

heto "napahiga sa sahig sa kakatawa?" hmmm saan ko naman kinuha ang 'sa' parang dinagdagan ko yata. rofl.gif
Nova17
Ngayong ko lang nalaman na matagal pala matapos kung akoy nagbabasa ng purong tagalog na lingwahe...

ewan, bura.. sulat.. bura na naman, sulat na naman ulit, tapos bura ulit kasi mali ang aking hehehe (grammar) ano ba sa tagalog yan? pasensya na kayo.. akoy natutuwa sa pagbabasa sa inyong mga sulat...
I luv my chappara
haha pasali ako sa usapang ito.
Ako'y isinilang sa bisayang pook sa gilid ng bundok smile.gif)
Lumuwas ako ng Maynila upang mag-aral ng kolehiyo

Noong umpisa ayaw ko magsalita, ako'y tahimik lamang sa isang tabi dahil ang mga kaklase ko ay purong mga tagalog at ako'y natatakot na pagtawanan dahil sa aking bisaya na tono.

Isang araw sa eskuwela, habang tinanong ako ng aking kaklase kung ano ang paborito kung kulay, ang sagot ko ay red!
Sila'y di magkamayaw sa kakatawa! napaisip ako bigla, bakit kaya?????? isa sa kaklase ko ay lumapit sa akin at ang sabi: "ahhh you mean red? not rid diba?"
aking napagtanto... hala tama siya, bakit nga ba ang tigas ng pagkabigkas ko, marunong naman ako mag ingles, pero kinabahan ako kaya "rid" tuloy ang nabanggit ko.

Ako'y napahiya! pero okey lang sa akin, dahil hindi nga naman ako tulad nilang kolehiyala kung umasta smile.gif)
Sinikap ko magbasa ng malakas ng tagalog na diyaryo, sinabihan ko ang aking ina na tagalugin ang aming usapan upang ako'y matuto.

Apat na buwan ko sa eskwela, ako' mahusay na managalog na walang bisaya na tono.

Aking natutunan ang pagehersisyo ay daan tungo sa pagiging perpekto.

Aking ipinagmamalaki ang aking dugong Bisaya smile.gif

Primie na kasalukuyang nakatira sa lungsod ng Makati

jego ryu
maray na aga sa indong gabos.....ako naman ay isang bikolana.....mahilig kami sa mga pagkain may gata at bagoong bicol.....noon una akong lumuwas ng maynila akoy namangha sa laki ng gusali at sa dami ng tao.....sabi nila mahiyain daw ako ang tawag nila sa akin ay tao tago.....kapag may tao nagtatago ako.....kaya ng akoy tumuntong sa edad disisaes(16) ako ay sumali sa paligsahan ng magaganda babae(bb.kalayaan)sa amin bayan.para mawala ang aking pagkamahiyain.ako nman ay pinalad,,,,,magmula noon naibigan ko ng sumali sa mga paligsahan ng magaganda kahit sa amin eskwelahan.....hanggan sa bb bicolandia....nawala na ang pagkamahiyain ko..sana naibigan nyo ang salaysay ko....kasi ang hirap pala magsalita ng wikang purong tagalog...kasi hindi naman tayo si balagtas
SHAPE OF MY HEART
Kumusta? haha, ako man ay napapahagalpak ng tawa , ang aking ina ay tawa ng tawa sa likod ko, para daw tayong nasa komeks magsalita at kulang nalang ay litrato. laughing.gif laughing.gif

QUOTE(Nova17 @ Mar 23 2008, 05:44 AM) *
Ngayong ko lang nalaman na matagal pala matapos kung akoy nagbabasa ng purong tagalog na lingwahe...

ewan, bura.. sulat.. bura na naman, sulat na naman ulit, tapos bura ulit kasi mali ang aking hehehe (grammar) ano ba sa tagalog yan? pasensya na kayo.. akoy natutuwa sa pagbabasa sa inyong mga sulat...

spidergirl
QUOTE(SHAPE OF MY HEART @ Mar 22 2008, 07:31 AM) *
KUMUSTA SA MGA KAPWA PINOY KO NA MIYEMBRO SA BISA PAGLALAKBAY (VJ) good.gif

Wala pong kaduda-duda na wala po ako masyado magawa sa oras na ito. At para lang po sa konting libangan pero alam kong may halaga naman ay nais ko pong subukin ang kakayahan natin sa pagsasalita ng sarili nating wika, na walang halong pagsasalitang banyaga. Na purong Tagalog lang po.

Nais ko po sanang hingin ang inyong partisipasyon sa paksa na aking binuksan. Ang usaping kahit ano po, basta walang halong Ingles. Ang hirap po magsalita at minsan isipin kung ano sa tagalog ang gusto nating sabihin.

Sana po hindi ito maging korney sa inyo. O kung sa tingin nyo po eh nakakatawa ito, pacensya na po. Pero sa ngayon po, hindi ko sukat akalain mas matagal ako mag-isip ng purong tagalog kesa magsalita ng purong Ingles.

Sinikap kong purong tagalog ang mga binitawan kong salita dito at nahirapan ako. Pakiramdam ko , para akong makata. blush.gif hehe.. blink.gif

Sana po makibahagi kayo dito. Salamat po. yes.gif

Ano ba yan? Pwede ba Ingles nalang, alam mo ba na nag aral ako para makapagsalita ng Ingles na tunay tunog Amerikano, tapos ngayon pagsasalitain mo ako ng Tagalog, ang hirap nu'n ha, at saka ang hirap magtype ng Tagalog. Pag paumanhin nyo nalang kung mali mali ang mga espeling ko, pero kahit papaano eto nakabuo ako ng isang talata. Mabuhay kayo mga kababayan ko.
SHAPE OF MY HEART
Kumusta ka Primie, naiitindihan ko ang iyong tinuran, sapagkat dati nung ako'y nasa kolehiyo ang mga kaklase kong lumaki sa Bisaya ay tampulan ng tukso dahil sa kanilang matigas na diksyon sa pagsasalita, at yung matigas ay malambot naman..

Pero ganun pa man, at bilib ako sayo sapagkat nabago ang iyong diksyon paglipas ng ilang buwan. good.gif
QUOTE(Primie & Ryan @ Mar 23 2008, 12:02 PM) *
haha pasali ako sa usapang ito.
Ako'y isinilang sa bisayang pook sa gilid ng bundok smile.gif)
Lumuwas ako ng Maynila upang mag-aral ng kolehiyo

Noong umpisa ayaw ko magsalita, ako'y tahimik lamang sa isang tabi dahil ang mga kaklase ko ay purong mga tagalog at ako'y natatakot na pagtawanan dahil sa aking bisaya na tono.

Isang araw sa eskuwela, habang tinanong ako ng aking kaklase kung ano ang paborito kung kulay, ang sagot ko ay red!
Sila'y di magkamayaw sa kakatawa! napaisip ako bigla, bakit kaya?????? isa sa kaklase ko ay lumapit sa akin at ang sabi: "ahhh you mean red? not rid diba?"
aking napagtanto... hala tama siya, bakit nga ba ang tigas ng pagkabigkas ko, marunong naman ako mag ingles, pero kinabahan ako kaya "rid" tuloy ang nabanggit ko.

Ako'y napahiya! pero okey lang sa akin, dahil hindi nga naman ako tulad nilang kolehiyala kung umasta smile.gif)
Sinikap ko magbasa ng malakas ng tagalog na diyaryo, sinabihan ko ang aking ina na tagalugin ang aming usapan upang ako'y matuto.

Apat na buwan ko sa eskwela, ako' mahusay na managalog na walang bisaya na tono.

Aking natutunan ang pagehersisyo ay daan tungo sa pagiging perpekto.

Aking ipinagmamalaki ang aking dugong Bisaya smile.gif

Primie na kasalukuyang nakatira sa lungsod ng Makati

SHAPE OF MY HEART
Kumusta? naibigan ko ang iyong salaysay. Tama ka hindi tayo si Balagtas. laughing.gif Pero kaya pala natin maging si Balagtas, konting ehersisyo pa sa pagsasalita natin ng purong Tagalog, pwede na! biggrin.gif

QUOTE(jego ryu @ Mar 23 2008, 12:24 PM) *
maray na aga sa indong gabos.....ako naman ay isang bikolana.....mahilig kami sa mga pagkain may gata at bagoong bicol.....noon una akong lumuwas ng maynila akoy namangha sa laki ng gusali at sa dami ng tao.....sabi nila mahiyain daw ako ang tawag nila sa akin ay tao tago.....kapag may tao nagtatago ako.....kaya ng akoy tumuntong sa edad disisaes(16) ako ay sumali sa paligsahan ng magaganda babae(bb.kalayaan)sa amin bayan.para mawala ang aking pagkamahiyain.ako nman ay pinalad,,,,,magmula noon naibigan ko ng sumali sa mga paligsahan ng magaganda kahit sa amin eskwelahan.....hanggan sa bb bicolandia....nawala na ang pagkamahiyain ko..sana naibigan nyo ang salaysay ko....kasi ang hirap pala magsalita ng wikang purong tagalog...kasi hindi naman tayo si balagtas

jego ryu
ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit pa ang amoy sa malansang isda.....tama ba ang aking tinuran......isang bagsak laughing.gif headbonk.gif
walls1010
Natutuwa ako dahil may usapang tagalog dito, pero tama kayo mahirap talagang magsalita ng purong tagalog dahil kahit sa atin kung makipag-usap tayo sa kapwa ay "taglish" na rin ang gamit sa pananalita ng nakararami. Mabuhay kayo mga kabayan!
SHAPE OF MY HEART
Ang hindi magmahal sa sariling wika, ay higit pa sa hayop at malansang isda.. Sa palagay ko , may "sa hayop" ? ano sa palagay ng nakararamimga kababayan? hehe tongue.gif
QUOTE(jego ryu @ Mar 23 2008, 01:33 PM) *
ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit pa ang amoy sa malansang isda.....tama ba ang aking tinuran......isang bagsak laughing.gif headbonk.gif

jego ryu
QUOTE(SHAPE OF MY HEART @ Mar 23 2008, 01:43 PM) *
Ang hindi magmahal sa sariling wika, ay higit pa sa hayop at malansang isda.. Sa palagay ko , may "sa hayop" ? ano sa palagay ng nakararamimga kababayan? hehe tongue.gif
QUOTE(jego ryu @ Mar 23 2008, 01:33 PM) *
ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit pa ang amoy sa malansang isda.....tama ba ang aking tinuran......isang bagsak laughing.gif headbonk.gif

ganun ba yun unsure.gif ..........eto naman,,,,,,ang hindi lumingon sa pinanggalingan ay hindi makakarating sa paroonan;;;;;;;
SHAPE OF MY HEART
QUOTE(jego ryu @ Mar 23 2008, 01:50 PM) *
ganun ba yun unsure.gif ..........eto naman,,,,,,ang hindi lumingon sa pinanggalingan ay hindi makakarating sa paroonan;;;;;;;

Tama.. yes.gif Ang hindi lumingon sa pinanggalingan ay hindi makararating sa paroroonan. blink.gif
shining_angel
ang taong hindi lumingon sa pinanggalingan ...ay may stiff neck. smile.gif

hay nako...(jugsak) ang grado ko sa filipino...nakalimutan ko na ano ang pang-abay, pangatnig, panghalip at iba pa. at nalilito ako sa mga (tenses). inom-umiinom-uminom-ininom,iinomin, (unsa ba!!! kalisod). nakakatuwa pag pumunta sa maynila at super obvious ang bisaya accent..hahaha.
naalala ko sabi ng taxi driver sakay na miss. sagot ko naman..ay meron akong "sugat" (sundo). Hahaha.
Love ko talaga ang pinas kasi nakakaaliw ang ating pagiging pagkakaiba-iba (variety). Minsan nong intern ako sa isang hospital, nagkwekwentuhan kaming mga bisaya at ilonggo at ang sabi ko 'hay NALIBOG na gyud ko" super tawa ang tagalog na intern kasi ang libog pala sa tagalog ay iba ang kahulugan. Minsan din sabi ng kapwa namin intern na Maranao "makautog-utog" at na shock kaming lahat kasi iba ang meaning ng salitang yun sa bisaya.....ang kahulugan pala noon ay nakakainis.
Ok stop na ako at hindi ko na kaya ito. kanta nalang tayo ng pinoy big brother theme song ...pinoy ako ..pinoy tayo....

smile.gifsmile.gifsmile.gif
jom
Kapit kamay kapwa Pilipino good.gif
rick's baby
QUOTE(SHAPE OF MY HEART @ Mar 22 2008, 02:22 PM) *
Ako'y bilib sa mga taong may pagmamalasakit sa sariling wika, ako'y nagagalak. hehe. yes.gif

Aba , wala naman siguro magagalit sa atin unsure.gif

QUOTE(SJ @ Mar 23 2008, 03:18 AM) *
mabuti naman po! nah ihirap po akong mag tagalog dahil laking cebu po ako at hindi rin ako marunong mag chabacanu.(Lumaki ako sa ibang pamilya). May mga kaibigan po ako dito na hindi marunong mag-bisaya , ilonggo, (konti lang ang alam ko) ilokano, (di ko alam dai. lol) at iba pa. tagalog ang ginagamit namin para magkakaintindihan kaming lahat.

wala po akong problema kung ang sariling wika natin ang gagamitin. Sana walang magalit sa atin. rofl.gif

Sa totoo lang, mahirap talagang magsalita ng wikang filipino. Lalo na kung magtipa sa kompyuter. Ito'y isang hamon sa ating lahat ng may mga kabiyak o kasuyo na banyaga. Dapat din nating silang turuan na magsalita sa ating wika. Ma-tagalog man o bisaya kailangan nilang matutunan, upang sa ganun hindi sila makaramdam ng tampo o hinanakit kung sakaling makarinig sila kung meron man tayong mga nakausap na ating kababayan at di nila alam kung ano ang ating pinag-uusapan.

Laking Mindanao ako, pero alam kong magsalita na purong tagalog... ang SIKRETO ko, magbasa ng komiks at librong tagalog...haaaaaaaaaaaaaay, minsan pilipit din itong dila ko. hehehehehehe.
SHAPE OF MY HEART
Kumusta? ako'y sang-ayon sayo, tutok ang mga mata ko sa mga letra habang aking tinitipa ang (aba!!! hindi co alam sa tagalog ang keyboard) di bale, pwede bang letra-quadrado nalang, haha..
Sa mga oras na wala ako magawa, ako'y pipirma (log-in) laughing.gif sa bisa paglalakbay laughing.gif (Visa Journey) at ako'y magbabasa basa. yes.gif

QUOTE(rick @ Mar 23 2008, 08:03 PM) *
Sa totoo lang, mahirap talagang magsalita ng wikang filipino. Lalo na kung magtipa sa kompyuter. Ito'y isang hamon sa ating lahat ng may mga kabiyak o kasuyo na banyaga. Dapat din nating silang turuan na magsalita sa ating wika. Ma-tagalog man o bisaya kailangan nilang matutunan, upang sa ganun hindi sila makaramdam ng tampo o hinanakit kung sakaling makarinig sila kung meron man tayong mga nakausap na ating kababayan at di nila alam kung ano ang ating pinag-uusapan.

Laking Mindanao ako, pero alam kong magsalita na purong tagalog... ang SIKRETO ko, magbasa ng komiks at librong tagalog...haaaaaaaaaaaaaay, minsan pilipit din itong dila ko. hehehehehehe.
SHAPE OF MY HEART
Kapit kamay at ngayon kasama na pati bisig at balikat, pati nga ulo kasama na. laughing.gif
Maaari ko ba ikaw na maidagdag sa listahan nang aking mga kaibigan sa aking kaibigantaryo (kathang-isip ko lang po ito whistling.gif (friendster)?
Maraming Salamat sa iyong pagpapaunlak.. luv.gif Aw!!
QUOTE(jom @ Mar 23 2008, 07:37 PM) *
Kapit kamay kapwa Pilipino good.gif

I luv my chappara
hahaha maraming salamat hugis ng aking puso wink.gif) (shape of my heart)

Maraming mga pilipino ngayo'y nandirito sa paksa mo smile.gif
jiskat08
Nakakatuwa at puro mga Pinoy ang nandito...

Anu ba ang tagalog ng ANYWAYS? haha...

Mabuhay ka heart.gif !

Pasensya na at hindi ko nasagot ang munti mong mensahe sa aking telepono. Huwag kang mag alala, ako ay buhay pa at masaya parin.

Bukas magusap tayo sa Nakakatuwang Mensahero ( Yahoo messenger hahaha oh diba pati ito trinanslate ko! pasensya na at hindi ko alam ang tagalog ng Yahoo! hehe).

Magandang araw at matutulog na po ako...

Paki dagdag nalang ako sa listahan ng mga kaibigan niyo dito sa Bisa Paglalakbay.... (VJ hehehe)

ang iyong lingkod,
Kathy tongue.gif
phil and nanz
Subok lang (just wana try and share it with you guys)
Sabi aking sobra mahal my nanz mabuhay tayo lahat, ako turo my nanz tagolog like kapag suklay ko buhok my nanz ko lagi ko sabi kanya her hair so makulit at lagi sya tawa lakas, sabi nya bahu ut-ot ko pero kahit bahu mahal ako my nanz ko, (and i love her sooo much) biggrin.gif ako sobra saya kasama ko my nanz ko... sya akin buhay lahat sakin.
(heck it's hard though but im so glad im learning) GOD BLESS YOU ALL biggrin.gif
David-Mae Forever
QUOTE(phil and nanz @ Mar 23 2008, 03:01 PM) *

Isang masigabong palakpakan para sa ginoong nagsikap at sumubok magsulat ng talata gamit ang ating wika sa kabila ng pagiging dayuhan. Ako ay naaliw at tunay na nagalak. Saludo ako sa iyo kaibigan! good.gif

--Mae
Nova17
QUOTE(SHAPE OF MY HEART @ Mar 22 2008, 11:54 PM) *
Kumusta? haha, ako man ay napapahagalpak ng tawa , ang aking ina ay tawa ng tawa sa likod ko, para daw tayong nasa komeks magsalita at kulang nalang ay litrato. laughing.gif laughing.gif

Akoy mabuti at masaya dahil na aprobahan na ang aming aplikasyon sa bisa. Ako rin may tuwang tuwang nagbabasa sa mga purong tagalog nating salita.

Akoy tubong mindanao at lumaking bisaya, nung nagpunta ako ng maynila noong isang taon mayroon din akong eksperyens na nakakatuwa.

Nung napunta ako sa bangko, may tinanong ako sa gwardya at alam nyo ba na nakalimutan kung magtanong sa wikang tagalog at binisaya ko ang gwardya mabuti nalang at laking bisaya din pala ang gwardya at cyay napatawa sa akin kasi nagbisaya ako nung cyay aking tinanong, pero binisaya nya na rin ang sagot nya sa akin pag naaalala ko yon akoy parang kinikiliti. he he he.

Nova17
QUOTE(shining_angel @ Mar 23 2008, 03:42 AM) *
ang taong hindi lumingon sa pinanggalingan ...ay may stiff neck. smile.gif

hay nako...(jugsak) ang grado ko sa filipino...nakalimutan ko na ano ang pang-abay, pangatnig, panghalip at iba pa. at nalilito ako sa mga (tenses). inom-umiinom-uminom-ininom,iinomin, (unsa ba!!! kalisod). nakakatuwa pag pumunta sa maynila at super obvious ang bisaya accent..hahaha.
naalala ko sabi ng taxi driver sakay na miss. sagot ko naman..ay meron akong "sugat" (sundo). Hahaha.
Love ko talaga ang pinas kasi nakakaaliw ang ating pagiging pagkakaiba-iba (variety). Minsan nong intern ako sa isang hospital, nagkwekwentuhan kaming mga bisaya at ilonggo at ang sabi ko 'hay NALIBOG na gyud ko" super tawa ang tagalog na intern kasi ang libog pala sa tagalog ay iba ang kahulugan. Minsan din sabi ng kapwa namin intern na Maranao "makautog-utog" at na shock kaming lahat kasi iba ang meaning ng salitang yun sa bisaya.....ang kahulugan pala noon ay nakakainis.
Ok stop na ako at hindi ko na kaya ito. kanta nalang tayo ng pinoy big brother theme song ...pinoy ako ..pinoy tayo....

smile.gifsmile.gifsmile.gif

Akoy napatawa mo sa iyong mensahe, akalain mo ba naman ng sinabing mong may sugat ( sundo) ka. ha ha ha ha. Ganyan ganyan din ako minsan nadudulas ang dila ko at di ka tantyang nakapagsalita na ng bisaya sa mga tagalog kung kausap ha ha ha.

Ay kapatid sinabi mo pa ang maranao lingo ay minsan malaswa talaga sa pandinig natin hahahaha nakakalito talaga ang pilipinas and dami kasing lingwahe kaya pati tuloy mga tao di na magkaintindihan.

cge sabayan na kita sa pagkanta, pinoy ako pinoy tayo....
Nova17
QUOTE(phil and nanz @ Mar 23 2008, 03:01 PM) *
Subok lang (just wana try and share it with you guys)
Sabi aking sobra mahal my nanz mabuhay tayo lahat, ako turo my nanz tagolog like kapag suklay ko buhok my nanz ko lagi ko sabi kanya her hair so makulit at lagi sya tawa lakas, sabi nya bahu ut-ot ko pero kahit bahu mahal ako my nanz ko, (and i love her sooo much) biggrin.gif ako sobra saya kasama ko my nanz ko... sya akin buhay lahat sakin.
(heck it's hard though but im so glad im learning) GOD BLESS YOU ALL biggrin.gif

Akoy isa sa maraming pumalakpak sa inyo, at nagagalak na ikaw ay nagsikap mag ambon ng iyong natutunang tagalog na salita.. Akoy natutuwa kapag akoy nakakadinig ng isang kanong marunong managalog o magbisaya kasi ang kyut nilang pakinggan..

ang mga kano kung magsalita ng tagalog para ding bisaya kung managalog kasi masyadong matigas kung ibigkas nila ang salita.
SHAPE OF MY HEART
Maraming salamat po sa inyong pakikibahagi sa ating paksa para sa mga Pinoy.

Oo nga, nakakatuwa pakinggan magsalita ang mg dayuhan kapag nagsalita ng ating wika. Ang iba kano ay parang bisaya kung managalog, hehe.

Ang aking minamahal na asawa ay pilipit magsalita kapag pinagsasalita ko sya ng ating wika.

Alam nyo ba ang ibininyag na pangalan ng aking asawa sa kanyang alagang aso , ako ay kinunsulta ng asawa ko kung anu daw gusto ko ipangalan, ang sabi ko pangalanan syang "SAKiN". (mine) yes.gif Ang alagang aso ng asawa ko ngayon ay mag-aanim na buwang gulang na.

Nang marinig ng Pinoy na manggagamot sa kanilang lugar ang pangalan ng aso ng minsan isama ng kaibigan nya ang aso sa klinika, Ang manggagamot na Pinoy ay namangha, at ang tanong sa kaibigan ng asawa ko, saan nakuha ang pangalan ng aso? ang sabi ng kaibigan ng asawa ko, ang misis nya ang nagpangalan, at sabi ng manggagamot, yan ay tagalog na salita, SAKIN ang ibig sabihin ay "Mine"

Ako'y nahihirapan na magtipa, madalas ako magkamali nang baybay (spelling) kaya puro balik laughing.gif (backspace)

Hanggang sa muli kong pagliham dito, biggrin.gif sa ngayon ako ay nagbabasa ng aking mga saliksik (research) rofl.gif
para sa mga dokumento ko.
andrew&evelyn
Akoy makisali na nga rito, talaga namang nakakabighaning basahin itong mga paksa na narito. Akoy tubong mindanao subalit datapwat sampung taon ng aking buhay ay ginugol ko sa Maynila. Aking nalala noon na talagang kung kailangang maiwasan kung mag salita ay aking pipigilan sapagkat akoy nahihiyang mag salita ng tagalog at medyo mahirap talaga. Sa eskwelehan kahit alam ko ang sagot hindi ako nag tataas ng kamay kasi nahihiya ako at mali mali yong bigkas ko ng mga salita. Subalit isang araw akoy naatsang mag basa ng letrang "H" abay ang sabi ko ba naman ay "ITS" tinginan lahat ng aking mga kaklase at sabay sabay silang nag salita ng "H" at kahit paulit ulit hindi ko talaga nabigkas ito ng tama...talaga namang akoy napahiya sa lahat. Hangang ngayon akoy hirap pa rin dahil nandon pa rin yong punto. Pero akoy mayabang pa rin( proud) tama ba hehehehehe parang nag pangit pakingan na salitang mayabang..kasi marunong ako ng limang linggwehe o di ba di naman ako talo smile.gif
I luv my chappara
QUOTE(andrew&evelyn @ Mar 24 2008, 11:08 AM) *

heheheh oo nga, sa tingin ko mas maganda pakinggan ang may maiipagmamalaki.

Galing limang linggwahe smile.gif
SHAPE OF MY HEART
QUOTE(andrew&evelyn @ Mar 24 2008, 11:08 AM) *
Akoy makisali na nga rito, talaga namang nakakabighaning basahin itong mga paksa na narito. Akoy tubong mindanao subalit datapwat sampung taon ng aking buhay ay ginugol ko sa Maynila. Aking nalala noon na talagang kung kailangang maiwasan kung mag salita ay aking pipigilan sapagkat akoy nahihiyang mag salita ng tagalog at medyo mahirap talaga. Sa eskwelehan kahit alam ko ang sagot hindi ako nag tataas ng kamay kasi nahihiya ako at mali mali yong bigkas ko ng mga salita. Subalit isang araw akoy naatsang mag basa ng letrang "H" abay ang sabi ko ba naman ay "ITS" tinginan lahat ng aking mga kaklase at sabay sabay silang nag salita ng "H" at kahit paulit ulit hindi ko talaga nabigkas ito ng tama...talaga namang akoy napahiya sa lahat. Hangang ngayon akoy hirap pa rin dahil nandon pa rin yong punto. Pero akoy mayabang pa rin( proud) tama ba hehehehehe parang nag pangit pakingan na salitang mayabang..kasi marunong ako ng limang linggwehe o di ba di naman ako talo smile.gif

Hehe, nakakatuwa ang iyong sinabi sa letrang H, (ITS) biggrin.gif

Mas tamang sabihing "ipinagmamalaki" (proud) sa iyong pangungusap. Mayabang sa tagalog ay hindi maganda ang dating. biggrin.gif

Limang Lingguwahe? (Language)o Limang Diyalekto (dialect)? good.gif good.gif
honeysweet
Nasa kailaliman na ng gabi, subalit ako'y mulat pa rin at hindi dalawin ng antok. Ang aking mahal na esposo ay wala sa aking piling sapagkat siya ay matiyagang nagbabanat ng buto sa buong magdamag upang may maipakain sa kanyang minamahal na pamilya. Ang apat kong mahal na supling ay natululog na ng mahimbing. Ako'y walang magawa at napadpad dito, napagmuni-muni ko na kahit saang sulok man tayo ng mundo ang pagiging pilipino ay likas sa atin at kailanman ay hindi mababago. Sa walong buwan kong inilagi dito sa amerika hindi ko ikinahihiya ang pagiging isang pilipino, bagkus ito ay aking ipinagmamalaki. Hindi ko lubos maisip na kadalasan ang iba nating kababayan na sa ikling panahon pa lamang na inilagi sa lupang dayuhan ay nakakalimot kaagad. Alam ko pagdating ng panahon ang mga anak ko ay magiging matatas na rin sa pagbigkas ng salitang ingles, datapwa't hindi ko nanaisin na sila'y makakalimot ng ating sariling wika.

Ako'y isang hamak na bisaya lamang, kaya inyo pong pagpaumanhin ang aking mga pananalita... naalala ko tuloy ang lagi kong naririnig noon ng ako'y bago pa lamang sa maynila " dugay na sa manila, tonto man gihapon ." LOL!
This is a "lo-fi" version of our main content. To view the full version with more information, formatting and images, please click here.
Invision Power Board © 2001-2008 Invision Power Services, Inc.