jego ryu
Mar 24 2008, 01:37 AM
QUOTE(honeysweet @ Mar 24 2008, 02:12 PM)

Nasa kailaliman na ng gabi, subalit ako'y mulat pa rin at hindi dalawin ng antok. Ang aking mahal na esposo ay wala sa aking piling sapagkat siya ay matiyagang nagbabanat ng buto sa buong magdamag upang may maipakain sa kanyang minamahal na pamilya. Ang apat kong mahal na supling ay natululog na ng mahimbing. Ako'y walang magawa at napadpad dito, napagmuni-muni ko na kahit saang sulok man tayo ng mundo ang pagiging pilipino ay likas sa atin at kailanman ay hindi mababago. Sa walong buwan kong inilagi dito sa amerika hindi ko ikinahihiya ang pagiging isang pilipino, bagkus ito ay aking ipinagmamalaki. Hindi ko lubos maisip na kadalasan ang iba nating kababayan na sa ikling panahon pa lamang na inilagi sa lupang dayuhan ay nakakalimot kaagad. Alam ko pagdating ng panahon ang mga anak ko ay magiging matatas na rin sa pagbigkas ng salitang ingles, datapwa't hindi ko nanaisin na sila'y makakalimot ng ating sariling wika.
Ako'y isang hamak na bisaya lamang, kaya inyo pong pagpaumanhin ang aking mga pananalita... naalala ko tuloy ang lagi kong naririnig noon ng ako'y bago pa lamang sa maynila " dugay na sa manila, tonto man gihapon ." LOL!
TUMPAK HONEYSWEET MAGING AKO NAIS KO MAGING MATATAS SA WIKANG TAGALOG ANG AKING ANAK.NGUNIT NGAYON PALANG AY ISANG LENGWAHE LANG ANG ALAM NYA.TATLONG TAON PA LAMANG SYA KAYA WIKANG INGLES KAPAG KAMI NAGUUSAP SAPAGKAT ANG KANYANG AMA AT LOLA AY HINDI MAKAINTINDI NG TAGALOG,,,SIGURU PAGDATING NYA NG EDAD LIMANG TAON AY TUTURUAN KO NA RIN SIYA,,,,AYOKONG MALITO ANG ANAK KO.....SA NGAYON
fendergirl
Mar 24 2008, 05:21 AM
Dalawa
sang-ayon ako dyan hugis ng puso ( shape of my heart)
andrew&evelyn
Mar 24 2008, 11:01 AM
QUOTE(SHAPE OF MY HEART @ Mar 23 2008, 10:17 PM)

QUOTE(andrew&evelyn @ Mar 24 2008, 11:08 AM)

Akoy makisali na nga rito, talaga namang nakakabighaning basahin itong mga paksa na narito. Akoy tubong mindanao subalit datapwat sampung taon ng aking buhay ay ginugol ko sa Maynila. Aking nalala noon na talagang kung kailangang maiwasan kung mag salita ay aking pipigilan sapagkat akoy nahihiyang mag salita ng tagalog at medyo mahirap talaga. Sa eskwelehan kahit alam ko ang sagot hindi ako nag tataas ng kamay kasi nahihiya ako at mali mali yong bigkas ko ng mga salita. Subalit isang araw akoy naatsang mag basa ng letrang "H" abay ang sabi ko ba naman ay "ITS" tinginan lahat ng aking mga kaklase at sabay sabay silang nag salita ng "H" at kahit paulit ulit hindi ko talaga nabigkas ito ng tama...talaga namang akoy napahiya sa lahat. Hangang ngayon akoy hirap pa rin dahil nandon pa rin yong punto. Pero akoy mayabang pa rin( proud) tama ba hehehehehe parang nag pangit pakingan na salitang mayabang..kasi marunong ako ng limang linggwehe o di ba di naman ako talo

Hehe, nakakatuwa ang iyong sinabi sa letrang H, (ITS)
Mas tamang sabihing "ipinagmamalaki" (proud) sa iyong pangungusap. Mayabang sa tagalog ay hindi maganda ang dating.
Limang Lingguwahe? (Language)o Limang Diyalekto (dialect)?

Sa aking hugiss puso maraming salamat sa pag tama mo sa aking mga kamalian. Ang ibig ko pong sabihin ay diyalekto at hindi ako mayabang.....hehehhehehe...ipinagmamalaki (proud). OO nga pag nalala ko yang "its" na yan akoy napapangiti na lamang ehheheheeh.
andrew&evelyn
Mar 24 2008, 11:03 AM
QUOTE(jego ryu @ Mar 24 2008, 05:23 AM)

TATLO
ang balak kong mga supling ay labin-dalawa....Hindi ko pa alam sa aking mahal na esposo kung itoy kaya nyang maipagkaloob itong aking munting kahilingan
SHAPE OF MY HEART
Mar 24 2008, 11:09 AM
Walang anuman..
Pero ang kasunod ng tatlo ay apat, hehe, (

hindi po supling ang ibig namin sabihin sa isa, dalawa, tatlo.. , kundi...
Aking naiisip ano kaya at tayo ay magakaroon ng bilangan sa sarili ( ang ibig kong sabihin roll call)
Ako ay , kursunada na malaman ang bilang ng Pinoy na miyembro ng Bisa Paglalakbay (Visa Journey)
Kung kayo po ay sang-ayon aking pong sisimulan sa pagbilang ko sa sarili co ng
ISA!
Sino po ang papangalawa? Bigkasin lang po ang dalawa, hanggang sa makarami tayo..
Salamat po kabayan.. QUOTE(andrew&evelyn @ Mar 25 2008, 12:03 AM)

ang balak kong mga supling ay labin-dalawa....Hindi ko pa alam sa aking mahal na esposo kung itoy kaya nyang maipagkaloob itong aking munting kahilingan

andrew&evelyn
Mar 24 2008, 11:57 AM
QUOTE(SHAPE OF MY HEART @ Mar 24 2008, 11:09 AM)

hahahaahahha ang gulo ko...ayan binatukan ko na sarili ko...
DALAWA!
Gradie and Jane
Mar 24 2008, 01:04 PM
QUOTE(andrew&evelyn @ Mar 24 2008, 12:57 PM)

Hay, nakakaaliw kayo, nakakalibang basahin lahat ng tinuran nyo! Biglang akong napahiga sa katatawa. ANG GALING mga kababayan ko.!
Laking Mindanao ako, bisayang diyalekto (Cebuano kag Ilonggo) ang nakasanayan ko bagamat ako ay guro sa asignaturang Filipino sa Mataas na Paaralan sa isang paaralang sa Lungsod ng Heneral Santos ( lugar ni Manny Pacquio). Sa kabila nito, napakahirap pa rin na purong Tagalog o Wikang Filipino lamang ang syang gagamitin sa pakikipag-ugnayan natin dito...... Ambot na lang pero nalingaw jud ko... daghan salamat ..... kababayan ko.
JoanBill
Mar 24 2008, 01:13 PM
Magandang umaga o araw o gabi sa inyong lahat!
Sa aking paggising ngayong umaga bago humarap o buksan itong computer (ano nga ba sa tagalog ang computer?) ay inasikaso ko muna ang aking asawa sa kanyang pag-alis.
Ako'y natutuwa na makita at mabasa ang inyong usapan at nais na makibahagi. At sadyang mahirap nga ang magsalita ng purong tagalog. Hindi man ako marunong magsalita
ng ibang leng'wahe (language) tulad ng Bisaya, Ilocano at iba pa ay okey lang
Sandali po lamang at kailangan kong tingnan ang aking labada.. hehe!
At ako po'y nasa bilang APAT siguro o baka pang LIMA na sa ngayon
Samalat sa inyo!
JoanBill
Mar 24 2008, 01:36 PM
QUOTE(SHAPE OF MY HEART @ Mar 22 2008, 09:19 AM)

OO nga pala, high school pa lang aco pinag-iisipan ko na ito,at hanggang ngayon hindi ko pa rin alam ang kasagutan
Ano pala sa tagalog ang "t
oothpaste"?
Salamat po sa kung sinong makakasagot ng katanungan ko..

Sa tingin ko ay walang nararapat na salita para isalin sa wikang tagalog ang salitang "toothpaste"
Maaari siguro ay sa ispeling nito na "tutpeyst"

kung paano sa paraan na bigkasin.
Hay.. medyo mahirap talagang magsalita ng purong tagalog. Pero maraming salamat sa'ting sariling wika!
Na syang nagbabandera ng pagiging Pinoy!! Mis ko na ang Pinas!! Huhuhu!!
Maraming salamat muli!
MariEnMichelle
Mar 24 2008, 01:48 PM
Magandang Araw sa inyong lahat!
Gusto ko lang po makibahagi (at makigulo na din!) sa paksang ito. Di pa naman po ako katagalan dito sa Estados Unidos ngunit aaminin ko po sa inyong lahat na dinudugo ang ilong ko kapag nakikipag usap ako sa mga Americano. Lalong lalo na sa mga intsik na natutong mag-ingles (tabi-tabi po!). Minsan nga po ay kamot na lang sa ulo ang ginagawa ko kapag di ko maintindihan ang mga salita nila dahil. Ngayon ko lang po napag-tanto na wala pa ding tatalo sa sariling wika natin.
Bow.

P.S. (Di ko alam tagalog nito e...) Pwede po ba paki-ingles ang pangungusap na ito - "Pang-ilang presidente si Erap?".
Meron pong pabuya ang makakasagot nito...
Nagmamahal,
Xerex
SHAPE OF MY HEART
Mar 24 2008, 01:57 PM
Magandang araw sa inyong lahat,
ako'y naaaliw paggising ko ay bubungad sa akin ang mga mensahe ng kapwa ko Pinoy sa Paksa natin dito sa Bisa Paglalakbay, Nakaka-panabik (miss) nga ang ating sariling wika , ang ating sariling salita..
Siyanga pala, ang ibig mo siguro sabihin ay dayalekto (dialect, halimbawa, Ilokano, Bisaya, at iba pa )
Lingguwahe (Language, halimbawa Filipino , English, Spanish, at iba pa)
Ako'y natutuwa sa mga kapwa natin Pinoy na hindi naiilang makipartisipasyon dito..
SHAPE OF MY HEART
Mar 29 2008, 04:13 PM
Mga kababayan,
Konting pagbabahagi lang sa nararamdaman ko ngayon... GRRRRRRRRRRRRRRRR!!!! nabasa ko ngayon ang paksa na binuksan tungkol sa pagkondena sa pagpapakasal ng mga amerikano sa pinay! ako'y nakaramdam nang galit , sapagkat ang ating kapwa pilipino , ang ating pagkatao, ang ating bansa, ay walang pasubaling pinag-usapan at tinapakan. WTH!
David-Mae Forever
Mar 29 2008, 11:19 PM
At pakiusap lang, para na rin sa ikabubuti ng lahat at kapakanan ng nakararami, mas marapat lang na huwag pag-ukulan ng pansin ang mga ganoong bagay sapagka't ang pagbibigay ng atensyon sa walang kapararakang usapan ay kahalintulad ng paglalagay ng tuyong kahoy sa apoy upang ang apoy ay lalong magsumiklab. Alam natin sa ating puso kung ano ang totoong dahilan at tayo ay nagpakasal/magpapakasal sa ating mga mahal na kasuyo at iyon ay atin lamang, hindi na nila kailangan pang pakialaman. Ito ay isang aral para sa atin... Hindi masamang ipagtanggol natin ang ating lahi at moral, pero sana, isipin din natin kung iyon ba ay para sa ating kapakinabangan o para sa kaaliwan ng mga taong walang magawa sa buhay.
Ang pagiging marangal at may malinis na puso ang 2 sa mga katangiang nakita sa atin ng ating mga mahal na kasuyo. Marapat lamang na patunayan natin na atin ngang tinataglay ang mga katangiang nabanggit, hindi sa ibang tao kung hindi sa ating sarili at sa ating mahal sa buhay.
Salamat po.
--Mae
dbears
Mar 30 2008, 12:17 AM
Lubos akong sumasang-ayon sa iyong tinuran Mae. Huwag na nating gatungan pa ang mga ganoong bagay. Masakit man subalit may mga taong sadyang mapang-alipusta. Tayo lamang at ang Panginoon ang may alam ng tunay na nilalaman ng ating puso kaya wala tayong dapat patunayan sa ibang tao.
jego ryu
Mar 30 2008, 02:03 AM
MGA KABABAYAN HINDI NATIN SILA MASISISI KASI MAY IBA RIN PILIPINA NA NAGPAPAKASAL SA AMERIKANO NG WALANG PAGMAMAHAL,,,,MAY MGA NAKILALA AKONG GANON,,,YUNG IBA DAHIL GUSTO NILANG MAGKAANAK SA PUTI AT YUNG IBA PARA SA BERDENG TARHETA ,PANAGINIP NA AMERIKA (american dream)tama ba?LOL,,AT UMAANGAT SA BUHAY,,,,PERO HINDI LANG NAMAN PILIPINA ANG GUMAGAWA,,,MAY MGA IBANG BANSA RIN,,,,KAYA KUNG HINDI TAYO YUN HUWAG NALANG NATIN PATULAN,,,HUWAG NATIN SILANG PAG AKSAYAHAN NG ORAS DI SILA KARAPAT DAPAT,,,,NI SA PANAGINIP DI KO AKALAIN MAG AASAWA AKO NG TAGA AMERIKA....MASAYA AKO DITO SA PILIPINAS ....PITONG TAON NA KAMI NG KASINTAHAN KO AT PAMINSAN MINSAN PINAGTATALUNAN NAMIN ANG HINDI KO PAG SAMA SA KANYA SA AMERIKA...AKOY NABABAHALA KASI NAPAKALAYO NG AMERIKA ,WALA AKONG KAIBIGAN DOON NI KAMAG -ANAK,ALAM KO MALULUNGKOT AKO DON,,,,ISA PA PINAG AALALA KO AY ANG MGA ARI ARIAN KO DITO SA PILINAS,,,,MALIIT LANG ANG PAMILYA NAMIN AT MY SARILI NA KAMING BUHAY....MASARAP PARIN TALAGA ANG BUHAY DITO SA PINAS MAY YAYA KA AT MAID DOON WALA...PERO NG MAGKAANAK KAMI INISIP KO PUMUNTA NA NG AMERIKA.AYAW KUNG IPAGKAIT SA ANAK ANG KARAPATAN NYA AT BAKA MAGSAWA NA KAHIHINTAY ANG AKING KASINTAHAN LAGI KO KASING SINASABI SA KANYA NA AAYUSIN KO LANG MUNA LAHAT DITO PILIPINAS .......paumanhin sa ibinahagi ko....yan ang gumugulo sa isip ko minsan... kung kaya ko bang manirahan sa amerika,,,di kaya ako magsisi sa magiging desisyon ko....kayo anong saloobin di ba nababahala?oo syempre mahal natin ang atin kasuyo kaya gusto natin silang makasama kahit saan,,,,
ez2007
Mar 30 2008, 03:54 AM
QUOTE(RonMay @ Mar 22 2008, 11:13 PM)

QUOTE(SHAPE OF MY HEART @ Mar 22 2008, 08:31 AM)

KUMUSTA SA MGA KAPWA PINOY KO NA MIYEMBRO SA
BISA PAGLALAKBAY (VJ)
Wala pong kaduda-duda na wala po ako masyado magawa sa oras na ito. At para lang po sa konting libangan pero alam kong may halaga naman ay nais ko pong subukin ang kakayahan natin sa pagsasalita ng sarili nating wika, na walang halong pagsasalitang banyaga. Na purong Tagalog lang po.
Nais ko po sanang hingin ang inyong partisipasyon sa paksa na aking binuksan. Ang usaping kahit ano po, basta walang halong Ingles. Ang hirap po magsalita at minsan isipin kung ano sa tagalog ang gusto nating sabihin.
Sana po hindi ito maging korney sa inyo. O kung sa tingin nyo po eh nakakatawa ito, pacensya na po. Pero sa ngayon po, hindi ko sukat akalain mas matagal ako mag-isip ng purong tagalog kesa magsalita ng purong Ingles.
Sinikap kong purong tagalog ang mga binitawan kong salita dito at nahirapan ako. Pakiramdam ko , para akong makata.

hehe..
Sana po makibahagi kayo dito. Salamat po.

lol... hindi ko alam paano man sulat ng tagalog kasi bisaya ako

ang mga bisaya mas gusto namin mag englis o sa aking opinyon lamang mas gusto ko mag englis kasi yun ang tinuturo sa aming pamilya simula bata pa ako. kaya nahihirapan akong mag sulat ng tagalog (pero hindi ako bobo ng filipino kasi malalaki ang grades ko noon hehehe). KA LISOD BA ANI OI! mayroon akong hinahapan na "speech" yung titolo (title?) ay "the uneducated man" sulat po yan ng dating presedente at gusto kung ipa-read sa aking asawa. sana matulungan ninyo akong mag hapan kasi wala sa google...salamat!
tama ka jan mas gusto nating mga bisaya mag ingles kesa magtagalog kasi matigas ang tagalog ko. . .hastang bisayaa jud. . .. pag pumupunta ako ng maynila noon pag may kumbensiyon o pagtitipon, doon lang ako sa mga bisaya nakikihalubilo kasi namimi mental blak ako sa tagalog. pagkalisud diay.
SHAPE OF MY HEART
Apr 2 2008, 02:22 AM
Isang grupo para sa mga miyembro ng Bisa Paglalakbay sa KAIBIGANTARYO.

(friendster)
http://www.friendster.com/group/tabmain.php?gid=1387986
dbears
Apr 3 2008, 08:35 PM
Ito ang aking kontribusyon sa "Munting Hamon"
Ang pakete apat mula sa embahada ng Estados Unidos sa bersyong Tagalog.
[b][u]Fiance(e) (K1/K2) Visa Applicants’ Interview Preparation Instructions (Tagalog)[/u][/b]
[b][u]Spouse (K3/K4) Visa Applicants’ Interview Preparation Instructions (Tagalog)[/u][/b]
Immigrant (IR, F & E) Visa Applicants’ Interview Preparation Instructions (Tagalog) Di kaya nabasa ng embahada itong sinulid (thread--for lack of more appropriate word) na ito at maaring sumagi sa kanilang isipan na mas nais nating mga Pilipino na tangkilikin ang ating sariling wika kaya minarapat nilang isalin sa wikang tagalog ang pakete apat.
Sa totoo lang, mas nakakahilo ang tagalog version ha. Ito ang ehemplo:
QUOTE
Mahal naming aplikante ng K1 at K2 visa:
Nais naming ipagbigay-alam na ang Embahada ay nakatanggap ng Form I-129F visa petition galing sa U.S. Citizenship and Immigration Services (USCIS) upang kayo ay pag-ukulan bilang fiancé(e) sa ilalim ng Section 101(a)(15)(K) ng Immigration and Nationality Act (INA). Kayo ay maaari ng magtakda ng iskedyul para sa inyong visa interview. Maaari kayong humiling ng petsa para sa inyong appointment sa pamamagitan ng pagtawag sa Visa Information Services sa telepono bilang 1-909-101-7878 (mula sa Pilipinas) o 1-888-877-9888 (mula sa Estados Unidos). Ang mga aplikante, petisyoner at mga kinatawan na tatawag sa 1-909 ay sisingilin ng US$0.98 bawat minuto, samantalang ang bayad mula Estados Unidos gamit ang 1-888 ay US$18 PIN na babayaran gamit ang Visa o Mastercard pagka-tawag sa serbisyo. Ang serbisyong ito ay hindi magagamit ng publiko sa pamamagitan ng web site ng Visa Information Services.
Ken & Marife
Apr 3 2008, 09:29 PM
QUOTE(SHAPE OF MY HEART @ Mar 22 2008, 01:32 PM)

Aw!!!

Ako'y namangha sa pag-awit mo ng Ang bayan kong Pilipinas. Saludo ako sa iyo Mae..
Ako man ay mahal ko ang bansa kong pinagmulan. kahit ano pa ang mangyari sa gulo ng Pilipinas. Mabuhay Pilipinas.
QUOTE(David-Mae Forever @ Mar 23 2008, 01:41 AM)

Sa totoo lang, kahit na wala akong pagpipilian kung hindi ang magsalita ng ingles lalo pa at kami lang ng kabiyak ko ang magkasama sa araw-araw, hindi ako nahihirapang magsalita gamit ang ating sariling wika. Kapag ang kausap ko sa telepono ay mga kaibigan ko, hangga't maaari ay tagalog ang usapan namin. Kapag tinatawagan ko ang pamilya ko diyan sa Pilipinas, tagalog din ang usapan dahil ako ay may pagka-makabayan. Mahal ko ang bayan ko at hindi ko kalilimutan ang aking pinagmulan. Kung minsan, nagugulumihanan ang aking kabiyak kapag nagsasalita ako sa telepono gamit ang ating sariling wika. Kaya pagkatapos ng usapan, aking sinisiguro na lahat ng nabanggit sa lengwaheng hindi niya naunawaan ay maibabahagi ko sa kanya sa lengwaheng ingles. Kapag ako ay lumiliham sa aking pamilya, ito ay nasa wikang Pilipino. Upang maunawaan ng aking kabiyak kung ano ang nilalaman ng aking liham, ito ay aking isinasalin sa wikang ingles. Hindi ko alam kung hanggang kaylan ko mapaninindigan ang pagiging makabayan ko, datapwat, aking pipilitin sa abot ng aking makakaya na maging matapat sa aking wikang kinagisnan.
Paumanhin po sa mga kapamilya natin dito na hindi nakakaunawa sa ating mga tinuturan. Ang inyo pong mga mahal sa buhay (kabiyak man o kasuyo) na ang siyang bahalang magsalin nito sa wikang ingles para sa inyong kamalayan.
Pahabol na Sulat (P.S.)
Bigla tuloy akong napaawit ng:
Ang bayan kong Pilipinas
Lupain ng ginto't bulaklak
Pag-ibig ang sa kanyang palad
Nag-alay ng ganda't dilag.
At sa kanyang yumi at ganda
Dayuhan ay nahalina
Bayan ko, binihag ka
Nasadlak sa dusa.
Ibon mang may layang lumipad
Kulungin mo at umiiyak
Bayan pa kayang sakdal dilag
Ang di magnasang makaalpas!
Pilipinas kong minumutya
Pugad ng luha ko't dalita
Aking adhika,
Makita kang sakdal laya. MARAMING SALAMAT PO!
--Mae
hello mga mahal kung kababayan pagud na po ako sa kasasalita ng wikang banyaga mapunta ba naman ako sa lugar ng mga ngungu..GA ba naman meron silang southern accent..minsan nagbibingihan na lang ako para kunyari d ko narinig, pero ang tutuo d ko naintindihan..HEHEHE! siyanga pala dumating ako d2 sa US feb 2...sa Detroit pa lang pag dating ko may nakilala akong 2 pilipina pauwi ng pinas...sabi nila sa akin kailangan baguhin ko na ang ugali ko dahil nasa US na ako,sabi ko sa kanila wala ako pakialam kung andito ako sa banyagang lugar basta sunod ako sa patakaran nila ok sa akin pero ang pagiging pinay ko kailan man di ko babaguhin .taray noh!pagud ba naman ako sa kauupo sa eroplano...sinagot ko sila PINAY AKO DI AKO MAGBABAGO...sabay taas ng kanang kamay at bigkas ng PANATANG MAKABAYAN..HOha! tawa sila noh!..mga kaibigan kahit puluputan man tayo ng mga mamahaling bagay d2 sa US na binili sa wallmart..heheh!huwag tayo magbago...pinay pa rin tayo mapagmahal pag minamahal,malambing,maalalahanin,mapagpakumbaba at higit sa lahat makadiyos...
I luv my chappara
Apr 3 2008, 10:12 PM
QUOTE(SHAPE OF MY HEART @ Mar 30 2008, 05:13 AM)

Mga kababayan,
Konting pagbabahagi lang sa nararamdaman ko ngayon... GRRRRRRRRRRRRRRRR!!!! nabasa ko ngayon ang paksa na binuksan tungkol sa pagkondena sa pagpapakasal ng mga amerikano sa pinay! ako'y nakaramdam nang galit , sapagkat ang ating kapwa pilipino , ang ating pagkatao, ang ating bansa, ay walang pasubaling pinag-usapan at tinapakan. WTH!
oo nga mga mapagmaliit mga yon, akala nila sila ang may-ari ng mundo
akala nila kilala nila ang lahat ng pilipina.
Mga manghuhusga..

siguro mga inggit hehehe
SHAPE OF MY HEART
Apr 3 2008, 10:16 PM
QUOTE(Ken & Marife @ Apr 4 2008, 10:29 AM)

hello mga mahal kung kababayan pagud na po ako sa kasasalita ng wikang banyaga mapunta ba naman ako sa lugar ng mga ngungu..GA ba naman meron silang southern accent..minsan nagbibingihan na lang ako para kunyari d ko narinig, pero ang tutuo d ko naintindihan..HEHEHE! siyanga pala dumating ako d2 sa US feb 2...sa Detroit pa lang pag dating ko may nakilala akong 2 pilipina pauwi ng pinas...sabi nila sa akin kailangan baguhin ko na ang ugali ko dahil nasa US na ako,sabi ko sa kanila wala ako pakialam kung andito ako sa banyagang lugar basta sunod ako sa patakaran nila ok sa akin pero ang pagiging pinay ko kailan man di ko babaguhin .taray noh!pagud ba naman ako sa kauupo sa eroplano...sinagot ko sila PINAY AKO DI AKO MAGBABAGO...sabay taas ng kanang kamay at bigkas ng PANATANG MAKABAYAN..HOha! tawa sila noh!..mga kaibigan kahit puluputan man tayo ng mga mamahaling bagay d2 sa US na binili sa wallmart..heheh!huwag tayo magbago...pinay pa rin tayo mapagmahal pag minamahal,malambing,maalalahanin,mapagpakumbaba at higit sa lahat makadiyos...

kumusta, isang masayang pagpapaunlak ng ating paksa sa iyo.. tama ba ang tagalog ko? hehe
RonMay
Apr 17 2008, 02:26 PM
QUOTE(SHAPE OF MY HEART @ Apr 17 2008, 10:06 AM)

Kumusta po? Chat tayo mga kababayan ko.. Sa bandang taas makikita nyo chat , click nyo lang po. Salamat. Antay ko kayo..hehe
pwede kang mag set nag date tsaka time... gamitin mulang phil time para universal hehehe...
AllRightsReserved
Apr 29 2008, 02:53 AM
Naku, nabuhay ang mga pinay sa inumpisahan mong usapin Shape, pati yata mga patay na kuko nabuhay!!hahaha

Para yatang pinag-eensayo (ano ba yan, ensayo??) mo ang aming mga dila sa pagtatagalog. Ano kaya kung buhay pa ang mga guro natin sa Pilipino? Baka sa ngayon mga pula ang ating marka(?)
Maraming salamat! Iwagayway ang bandilang Pilipino!! (parang EDSA REvolution)
xhaxha
Apr 29 2008, 03:22 AM
AKO'Y TUTULA MAHABANG MAHABA,. AKO'Y UUPO TAPOS NA PO.
PWEDE BISAYA NALANG? KASI PO MAHIRAP MAGKALISUD LISUD,. PINAPAWISAN AKO NG MARAMING SINGOT... HAHAHA...
SHAPE OF MY HEART
Apr 29 2008, 03:35 AM
QUOTE(xhaxha @ Apr 29 2008, 04:22 PM)

AKO'Y TUTULA MAHABANG MAHABA,. AKO'Y UUPO TAPOS NA PO.
PWEDE BISAYA NALANG? KASI PO MAHIRAP MAGKALISUD LISUD,. PINAPAWISAN AKO NG MARAMING SINGOT... HAHAHA...
Hehe, hindi po namin maintindihan yun, pero yung iba maintindihan nila. hehe.
RyaNRiza
Apr 29 2008, 03:56 AM
QUOTE(SHAPE OF MY HEART @ Apr 29 2008, 03:35 AM)

QUOTE(xhaxha @ Apr 29 2008, 04:22 PM)

AKO'Y TUTULA MAHABANG MAHABA,. AKO'Y UUPO TAPOS NA PO.
PWEDE BISAYA NALANG? KASI PO MAHIRAP MAGKALISUD LISUD,. PINAPAWISAN AKO NG MARAMING SINGOT... HAHAHA...
Hehe, hindi po namin maintindihan yun, pero yung iba maintindihan nila. hehe.Ha ha, kalog talaga 'tong si ShaSha. Ibig sabihin ng
"singot" Shape ay
"pawis"
gabrielle08
May 27 2008, 09:42 AM
QUOTE(SHAPE OF MY HEART @ Mar 22 2008, 10:31 AM)

KUMUSTA SA MGA KAPWA PINOY KO NA MIYEMBRO SA
BISA PAGLALAKBAY (VJ)
Wala pong kaduda-duda na wala po ako masyado magawa sa oras na ito. At para lang po sa konting libangan pero alam kong may halaga naman ay nais ko pong subukin ang kakayahan natin sa pagsasalita ng sarili nating wika, na walang halong pagsasalitang banyaga. Na purong Tagalog lang po.
Nais ko po sanang hingin ang inyong partisipasyon sa paksa na aking binuksan. Ang usaping kahit ano po, basta walang halong Ingles. Ang hirap po magsalita at minsan isipin kung ano sa tagalog ang gusto nating sabihin.
Sana po hindi ito maging korney sa inyo. O kung sa tingin nyo po eh nakakatawa ito, pacensya na po. Pero sa ngayon po, hindi ko sukat akalain mas matagal ako mag-isip ng purong tagalog kesa magsalita ng purong Ingles.
Sinikap kong purong tagalog ang mga binitawan kong salita dito at nahirapan ako. Pakiramdam ko , para akong makata.

hehe..
Sana po makibahagi kayo dito. Salamat po.

Mabuhay mga kapitapitagang dilag ng pinakamamahal kong bansang tinaguriang perlas ng silangan!
Habang tinatahak ko ang angking ganda ng dalampasigan ng Maynila kasabay ng pagtanaw sa lumulubog na araw na hudyat ng pagtatakip silim. Tila bang may isang batubalaning humihila sa aking mayayamang alaala ng nakalipas habang sinusulyapan ko ang napipintuhong kinabukasan.
Hindi ko mawari ang kakaibang damdaming kumakarinyo sa aking mayamang balintataw. Pinagbubulay-bulayan ang mga masasayang nakalipas na may halong hinagpis na siyang bumuo sa aba kong pagkatao.
Malayo ang aking tanaw at ni ang batingaw ng mga barkong sumasayaw sa alon ay di ko na alintana. Ang malamig na simoy ng hanging dalampasigan na yumayakap sa aking katawan ay pinaiinit ng alaalang yapos ng tilang baluting pagmamahal ng aking sinta.
Kung ito may isang kahibangan, marahil mauunawaan ni Bathala ang aking damdamin. Labis ko kasing pinananabikan ang muli naming pagniniig ng aking mahal.
SHAPE OF MY HEART
May 27 2008, 09:51 AM
Kumusta Gabrielle? Aba, masyado naman malalim ang iyong inilathala dito? saan mo ba ito nakuha? Aco'y nagugulumihanan.
QUOTE(gabrielle08 @ May 27 2008, 10:42 PM)

Mabuhay mga kapitapitagang dilag ng pinakamamahal kong bansang tinaguriang perlas ng silangan!
Habang tinatahak ko ang angking ganda ng dalampasigan ng Maynila kasabay ng pagtanaw sa lumulubog na araw na hudyat ng pagtatakip silim. Tila bang may isang batubalaning humihila sa aking mayayamang alaala ng nakalipas habang sinusulyapan ko ang napipintuhong kinabukasan.
Hindi ko mawari ang kakaibang damdaming kumakarinyo sa aking mayamang balintataw. Pinagbubulay-bulayan ang mga masasayang nakalipas na may halong hinagpis na siyang bumuo sa aba kong pagkatao.
Malayo ang aking tanaw at ni ang batingaw ng mga barkong sumasayaw sa alon ay di ko na alintana. Ang malamig na simoy ng hanging dalampasigan na yumayakap sa aking katawan ay pinaiinit ng alaalang yapos ng tilang baluting pagmamahal ng aking sinta.
Kung ito may isang kahibangan, marahil mauunawaan ni Bathala ang aking damdamin. Labis ko kasing pinananabikan ang muli naming pagniniig ng aking mahal.
jego ryu
May 27 2008, 09:54 AM
KUMUSTA NA KAYO MGA KABABAYAN KO SA BISA NG PAGLALAKBAY....SIGURU MALAYO NA ANG INYONG NARATING............ANG DI LUMINGON SA PINANGGALINGAN AY DI MAKAKARATING SA PAROROONAN.....O KAYA KUNG MATISOD AY MALALIM.....HAHAHA
SHAPE OF MY HEART
May 27 2008, 10:01 AM
QUOTE(jego ryu @ May 27 2008, 10:54 PM)

KUMUSTA NA KAYO MGA KABABAYAN KO SA BISA NG PAGLALAKBAY....SIGURU MALAYO NA ANG INYONG NARATING............ANG DI LUMINGON SA PINANGGALINGAN AY DI MAKAKARATING SA PAROROONAN.....O KAYA KUNG MATISOD AY MALALIM.....HAHAHA
hehehe, tama ka jan Jego.
Aco , ito mabuti naman, salamat naman at Tagalog dito, minsan nakakapagod magsalita sa wikang banyaga, nakakamiss ang magsalita ng ating sariling wika. Ikaw, kumusta naman? Hainaku, hindi pa malayo ang narating co, nandito pa aco sa ating munting bansa. hehe.
gabrielle08
May 27 2008, 10:06 AM
Sinasagot ko lamang ang iyong munting paghamon kaibigan
Malikot ang aking pananaw sa mga oras na ito. Tila nililibang ko ang aking sarili upang hindi tuluyang takasan ng isip sa pananabik na makaniig ang aking pinakamamahal na irog.
Habang nag-iisa nakaupo sa salumpuwet (upuan) tila bagang naglalaro ang aking salamisim na kapiling ko ang aking mahal sa mga oras na ito. Bumabalik sa aking alaala noong panahong papaalis na siya patungo sa bansang sinilangan. Malinaw sa talulot ng aking mga mata ang luhang pumapatak habang papalayo ang salipawpaw (eroplano po yun) na itinago na ng himpapawid. Nagbaka sakali ako noon na sumulyap muli ang akin sinta sa likod ng alapaap.
Unti-unti akong pinapatay ng aking pananabik. Inuukilkil ko ang bawat baybay ng aking salita na tila bang bumubulong sa hangin sa pag-asang liliparin ito patungo sa kanyang kinaroroonan ang salitang "mahal na mahal kita" na namumutawi sa simbuyo ng aking nag-aalab na damdamin.
jego ryu
May 27 2008, 10:15 AM
QUOTE(SHAPE OF MY HEART @ May 27 2008, 11:01 PM)

QUOTE(jego ryu @ May 27 2008, 10:54 PM)

KUMUSTA NA KAYO MGA KABABAYAN KO SA BISA NG PAGLALAKBAY....SIGURU MALAYO NA ANG INYONG NARATING............ANG DI LUMINGON SA PINANGGALINGAN AY DI MAKAKARATING SA PAROROONAN.....O KAYA KUNG MATISOD AY MALALIM.....HAHAHA
hehehe, tama ka jan Jego.
Aco , ito mabuti naman, salamat naman at Tagalog dito, minsan nakakapagod magsalita sa wikang banyaga, nakakamiss ang magsalita ng ating sariling wika. Ikaw, kumusta naman? Hainaku, hindi pa malayo ang narating co, nandito pa aco sa ating munting bansa. hehe.
TALAGANG NAKAKAPAGOD PAMINSAN MINSAN MAGDURUGO ANG IYONG ILONG(nosebleed)hahaha......kelan ka lilisan ng bansa hugis (shape)???
jego ryu
May 27 2008, 10:36 AM
QUOTE(SHAPE OF MY HEART @ May 27 2008, 11:21 PM)

QUOTE(jego ryu @ May 27 2008, 11:15 PM)

QUOTE(SHAPE OF MY HEART @ May 27 2008, 11:01 PM)

QUOTE(jego ryu @ May 27 2008, 10:54 PM)

KUMUSTA NA KAYO MGA KABABAYAN KO SA BISA NG PAGLALAKBAY....SIGURU MALAYO NA ANG INYONG NARATING............ANG DI LUMINGON SA PINANGGALINGAN AY DI MAKAKARATING SA PAROROONAN.....O KAYA KUNG MATISOD AY MALALIM.....HAHAHA
hehehe, tama ka jan Jego.
Aco , ito mabuti naman, salamat naman at Tagalog dito, minsan nakakapagod magsalita sa wikang banyaga, nakakamiss ang magsalita ng ating sariling wika. Ikaw, kumusta naman? Hainaku, hindi pa malayo ang narating co, nandito pa aco sa ating munting bansa. hehe.
TALAGANG NAKAKAPAGOD PAMINSAN MINSAN MAGDURUGO ANG IYONG ILONG(nosebleed)hahaha......kelan ka lilisan ng bansa hugis (shape)???
hehehe
aco, dinugo na ang aking "salwal"
hahaha, aco'y nagbibiro lang.
Aco ay nakaplano sa Hunyo 27, pero sa ngayon tulad ng karamihan, aco ay naghihintay pa sa pagdating nang aking munting bisa.
aco ay pinapanalangin na sana ay mapabilis ang inyong bisa paglalakbay nang inyong minamahal at gwapong anak nyo.
maraming salamat hugis......sana dumating na ang iyong munting bisa at ng makasama mo na ang iyo irog,,,,bakit ba naman kasi may bisa bisa pa

......silang nalalaman.....di ba puedeng wala nlng bisa.....paumanhin nadala lang ako......magandang kapalaran sayo....(goodluck tama ba yun
gurl
Jun 4 2008, 09:45 PM