Wala pong kaduda-duda na wala po ako masyado magawa sa oras na ito. At para lang po sa konting libangan pero alam kong may halaga naman ay nais ko pong subukin ang kakayahan natin sa pagsasalita ng sarili nating wika, na walang halong pagsasalitang banyaga. Na purong Tagalog lang po.
Nais ko po sanang hingin ang inyong partisipasyon sa paksa na aking binuksan. Ang usaping kahit ano po, basta walang halong Ingles. Ang hirap po magsalita at minsan isipin kung ano sa tagalog ang gusto nating sabihin.
Sana po hindi ito maging korney sa inyo. O kung sa tingin nyo po eh nakakatawa ito, pacensya na po. Pero sa ngayon po, hindi ko sukat akalain mas matagal ako mag-isip ng purong tagalog kesa magsalita ng purong Ingles.
Sinikap kong purong tagalog ang mga binitawan kong salita dito at nahirapan ako. Pakiramdam ko , para akong makata.
Sana po makibahagi kayo dito. Salamat po.
